Malalakas na katok sa pintuan ang gumising sa akin.
Pupungas pungas akong bumangon sa manipis na higaan.
"Sandali lang!" sigaw ko sa taong bumulabog sa pagtulog ko. Ang aga aga ang istorbo.
Mabilis akong nagsalok ng isang basong tubig sa timba at ipinangmumog at ipinanghilamos. Nagmadali kong binuksan ang pintuan at iniluwa niyon ang may ari ng inuupahan kong apartment. Si manang Letty.
"Magandang umago po." plastik na bati ko dito. Pinamaywangan nya ako at binugahan ng usok ng hinihithit nyang sigarilyo.
"magandang umaga? Ponyetang umaga kamo, Joan." masungit na sagot nya. Napangiwi ako. Alam ko na kung bakit sya nagkakaganito. Ang kulang kung bayad sa renta.
"aba, baka gusto mong mahiya, ano? Anong petsa na pero hanggang ngayon hindi ka pa din nagbabayad ng renta, at iyong kulang mo nung nakaraang buwan? Anong balak mo? Sa isang taon na?" walang tigil nya sa pagbubunganga.
"babaya—"
"ponyetang bayad bayad na yan. Nung nakaraang dalawang buwan pang ganyan ang sinasabi mo ah? Kung wala kang pambayad aba lumayas ka na lang hindi yung pinaglololoko mo pa ko, nakakasira ka ng araw!" sigaw nya. May pera naman ako dito kaya lang ay pag binayad ko iyon ay malamang wala akong kakainin buong maghapon.
"P-pwede po bang kalahati muna?" nahihiyang tanong ko. Ang galit nyang mukha ay lalong nagalit dahil sa sinabi ko.
"kalahati? Aba at talagang humirit ka pa. Buo mong nagagamit itong apartment kaya buo din ang ibayad mo, hinayupak ka!" nang gagalaiti nyang sigaw.
"p-pasensya na p-po—"
"pasensya ka din dahil kapag hindi mo naibigay ang bayad ngayong araw na ito ay talagang palalayasin na kita dito." sabi nya sabay hirit ng alis.
Nanghihina kong isinara ang bulok na pintuan. Lakas makasingil ang akala naman nya ang ganda ng apartment nya. Tsk.
Tiningnan ko ang maliit at naghihinalong orasan ko. Alas syete pa lang ng umaga. Dinukot ko ang perang kinita ko kagabi. Pitong daang piso. Umupo ako sa sahig at inabot ang maliit kong bag. Naghanap ako ng barya barya para sa pamasahe ko mamaya sa paghahanap ng sideline.
Pumasok ako sa maliit at madilim na banyo para maligo. Tinipid tipid ko ang tubig dahil wala akong oras mag igib mamaya dahil malamang gagabihin na naman ako ng uwi.
Kinuha ko ang damit sa isang malaking kahon at nagbihis ng desenteng damit.
Naglagay din ako ng manipis na lipstick sa labi para magkakulay naman ang mukha ko.
Bago lumabas ay kinuha ko ang isang envelope ko na may mga lamang Resume at bio data para sa pag aapply ko. Sana ay may makuha akong trabahong maayos at may maayos ding kita para naman makapag ipon.
Lumabas ako sa maliit na apartment at naglakad hanggang sa sakayan. Sa bawat eskinitang madadaanan ko palabas ay hindi nawawalan ng tambay. Aga aga ay puro inuman.
"hoy, Joan. Ganda ah, san lakad? Sarado pa club!" bangang na sigaw ng isang lasing. Hindi ko na lang sya pinansin at diretso ng naglakad.
Sumakay ako at bumaba sa lugar na maraming kainan. Mga mukhang mamahalin at iyong iba naman ay fast food lang. Inuna kong pasukin ang isang fast food chain.
"ahm, excuse me, pwede ba sa manager?" magalang na tanong ko sa crew. Tumango sya at umalis, para siguro sa tawagin ang manager.
"Yes, what can I do for you, Miss?" tanong ng isang lalaki. Manager na yata.
Ngumiti ako sa kanya at inaabot ang Resume ko.
"mag aapply po." nahihiya kong ngiti. Tinignan nya muna ito at saka tumango.
"okay, just wait for our text." sabi nya. Tumango lang ako at nagpasalamat bago lumabas at maghanap pa ng ibang pwedeng applyan.
Tumigil ako sa tapat ng isang medyo sosyal na restaurant. May nakita ako sa tabing papel na nakapaskil kaya nilapitan ko at ganoon na lamang ang saya ko ng mabasang nag hahanap sila ng part time waitress. With or without experience daw. Graduate or undergrad ay ayos lang. Wala akong inaksayang panahon at pumasok na ako sa loob para mag pasa ng Resume ko.
"Are you willing to undergo training for 1 week?" tanong agad sa akin ng baklang manager. Tumango tango ako.
"o-opo. Willing na willing po ako." sabi ko. Tumango ito at may tinawag na isang crew para humingi ng papel.
May isinulat sya sa papel at hindi ko alam kung ano iyon.
"here. This is the requirements. You can start your training tomorrow. Pwede mong ipasa ang mga yan kapag nag umpisa ka na talagang magtrabaho dito. Goodluck. See you tommorow." sabi ng baklang manager nya sa akin at saka tumayo.
Nagpasalamat ako at naglakad na palabas. Binabasa ko ang mga kakailanganin kong requirement kaya hindi ko namalayang may nakasalubong ako.
"ouch! Are you fucking blind, Miss?"maarteng sigaw ng isang magandang babae. Napatingin ako sa paligid at halos malubog ako sa kinatatayuan ng makita kong halos lahat ng kumakain sa loob ay sa akin nakatingin.
"I-I'm sorry Ma'am. h-hindi ko po sinasadya." hinging paumanhin ko sa babae. Tinaasan nya lang ako ng kilay at saka ako inirapan.
"next time ay tumingin ti—" hindi nya na naituloy ang pagtataray ng may humawak na lalaki sa balikat nya at nagsalita.
"Enough, Julien." seryosong sabi ng lalaki. Nakashades itong itim, naka puting v-neck shirt at naka jeans at halos mapanganga ako ng tanggalin nito ang shades sa mata. Ang mga mata nya. Sya yung kagabi! Sya yung pamilyar na lalaki.
Nakatitig lamang ako sa gwapo nyang mukha, pinipilit alalahanin kung saan ko unang nakita ang mga matang iyon. Natauhan lamang ako ng magsalita ulit ang maarteng babae sa tabi nya.
"Bitch." bulong nya na narinig ko naman bago nila ako lampasan..
BINABASA MO ANG
The knight Job
General FictionHe can save you from being dirty.. But no.. He can't save your heart from being broken.. Marcus Mendoza's story..