Puro paghahanap ng trabaho ang inatupag ko sa halos apat na oras. Balak ko kasing umalis na dito at subukang bumalik sa lugar kung saan naman talaga dapat ako.
Gusto ko lang makapag ipon ipon para may pamasahe ako at makabalik pa muli dito kung saka sakaling wala akong mapapala doon.
Naglalakad ako sa mainit na kalsada dahil ubos na ang baryang naipon ko. Ayaw kong bawasan ang pitong daang piso na kinita ko kagabi at nung nakaraan.
Isa pang dahilan ang trabaho kong iyon, kung maaari sana ay ayaw ko na doon. Ayaw ko ng maging stripper. Ayaw ko ng maghubad. Ayaw ko ng mabastos ng kahit sino. Sawang sawa na ko.
"ate, limang pisong buko nga po." sabi ko sa isang babaeng nagtitinda ng buko juice. Limang pisong buo na lang ang perang maaari kong gastusin ngayong araw dahil ipapambayad ko ng utang ko ang papel na perang nasa bulsa ko ngayon.
"Eto oh." abot sa akin ng tindera. Inabot ko ito at nagbayad saka nag unpisang maglakad ulit.
Ang dami kong nadadaanang mga gusali. Yung iba sobrang taas at yung iba ay tama lang. Napatigil ako sa harap ng pinakamatayog na gusali na nakita ko. Tiningala ko ito.
MEDD's Hotel Group. Ang taas.Pinagmasdan ko itong mabuti at hindi ko mapigilang mag isip. Ano kayang pakiramdam na magtrabaho sa ganyang kataas at kalaking kompanya? Siguro ang yaman ng may ari nyan, ano?
Nakakainggit naman sya kung ganun. Kung nakapag aral kaya ako ng kolehiyo, may pag asa din kaya akong umasenso? Hindi ko alam.
"beep beep!" halos mapatalon ako sa gulat ng may malakas na sasakyang bumisina sa likod ko. Grabe naman sya.
Nahihiya akong lingunin ang sasakyan kaya nakayuko kong nilisan ang lugar na iyon.
Halos isang oras akong naglakad lakad makabalik lang sa lugar kung saan ako tumutuloy at halos manghina ang tuhod ko ng maabutan ang mga gamit ko sa labas ng apartment na inuupahan ko.
"O, buti dumating ka pa. Hala sige bitbitin mo na yang gamit mo at lumayas layas ka sa harapan ko." sabi ng nakaabang na si demonyong Letty. Halos maiyak ako sa ideyang wala na akong titirhan.
"W-wag naman po ganito. A-andito po may pambayad ako." sabi ko sabay dukot ng perang tinipid tipid ko para maipambayad sa kanya. Halos lahat na yata ng tsismosa at tsismoso sa lugar na ito ay nandito, pinapanood ang pagpapalayas sa akin.
"Hay naku. Wag na! Nakahanap na ako ng bagong uupa dito. Hindi ako aasenso sayong hinayupak ka." sagot nya. Hindi ako makaimik. Paano ako? Saan ako titira ngayong araw at sa susunod.
Wala akong nagawa sa huli kung di ang bitbitin ang mga kakaunting gamit ko.
"o? Nasan ang bayad sa utang mo? Aba limang daan din yun, akin na!" paalis na ako ng isinigaw nya iyon. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa mga taong nakatingin sa akin, ang iba ay seryosong nanonood at ang iba naman ay natatawa.
Kapag ganitong sitwasyon ay wala akong makapitan. Ni isa wala man lang akong malapitan. Tsk.
"pesteng buhay, ang hirap na nga lalo pang humihirap dahil sa mga pesteng taong asal hayop."bulong ko sa sarili ko.
Sa isang parke ako tumigil. Doon ako umupo at nag isip isip. Tangna talaga. Wala na nga akong almusalan, tanghalian wala pa kong matutuluyan, ang sarap mabuhay.
Dinukot ko sa bulsa ang natirang dalawang daang piso. kakasya ba ito?
Sa gutom ay wala akong nagawa kung di ang gumastos para sa isang biscuit at juice. Dito muna ako sa parkeng ito hanggang mamayang gabi pagbukas ng club na pinagtatrabahuhan ko, hindi na sana ako babalik dun kaya lang kailangan ko ng pera ngayon.
Sa sobrang pag iisip ay hindi ko namalang nakatulog pala ako sa upuan.
"Miss, bawal ho ditong matulog." gising sa akin ng isang tanod.
Madilim na ang paligid. Ang haba pala ng naitulog ko.
"a-anong oras na ho?" tanong ko sa tanod. Tiningnan nya ang orasan nya.
"Pasado alas syete na hija." sabi nya. Tumayo ako at nagpasalamat sa kanya.
Narating ko ang club na pinagtatrabahuhan ko at ganun na lang ang gulat ng iba ng makitang may dala dala akong mga bag.
"oh? Anong nangyari sayo? Naglayas?" tanong ni Faye sa akin.
Hindi na ako sumagot at mukhang kuha na nya ang dahilan ko.
Nag ayos na ako at nag lagay ng makapal na make up sa mukha para hindi nila ako makilala paglabas ko. Ilang oras pa ang hinintay ko bago ako nag perform.
"kyla una na kami. Ingat ka sa daan." paalam ni faye kasama ang iba pa. Gustuhin man nyang patuluyin sa kanila ay di rin naman pwede dahil sa pamilya nya.
Umupo ako sa labas ng club pagkatapos. Kinuha ko ang isang sigarilyo sa bulsa at sinindihan. Hindi naman talaga ako smoker kaya lang hindi ko maiwasan minsan kapag madami akong problema. Saan ako tutuloy? Di naman pwede dito. Nanlalamig na din ako dahil sa maiksing shorts at sleeveless na suot ko. Kung titingnan mo nga akong maiigi ay isa lang ang iisipin mong trabaho ko.
May naririnig akong hakbang papalapit sa direksyon ko pero hindi ko na ito pinagkaabalahan pang tingnan. Ipinagpatuloy ko lang ang paninigarilyo.
"Hahaha. Ang sexy nung huli, pre noh? Damn. I want to know her name." sabi ng isang lalaki. Alam ko na kung sinong pinag uusapan nila. Ako.
"Not really that sexy, kulang sa boobs." komento ng isa. Napasimangot ako at nilingon ang nagsabi nun. At halos mamagnet na naman ang tingin ko sa lalaking iyon. Sya na naman? Kung titingnan syang maiigi at ang mga kasama nya ay masasabi mong may kaya sila sa buhay. Anong ginagawa nila sa cheap na lugar kagaya nito?
"Woah. Haha. I think that's 35 bro." tapik ng isa nyang kasama sa balikat nya. Paano nya nalamang 35 ang sukat ng boobs ko?
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng malapit na sila sa pwesto ko pero bago ko magawa iyon ay nakita ko ang pag ngisi nya sa akin na nagpaikot ng halos buong sistema ko.
BINABASA MO ANG
The knight Job
Ficción GeneralHe can save you from being dirty.. But no.. He can't save your heart from being broken.. Marcus Mendoza's story..