19. Addicted

391 18 1
                                    

Nagising ako na may nakandantay na kung ano sa aking hita, may mga kamay na din na mahigpit na nakayakap sa aking katawan.

Babangon na sana ako ng mas lalo nyang hapitin ang katawan ko palapit sa kanya. Napalingon ako sa gwapong lalake na parang ahas na nakapulupot sa akin.

Nakakunot ang kanyang noo. Kahit sa pagtulog, ang gwapo pa din. Uminit ang aking mukha ng maalala ang namagitan sa amin kagabi. Hindi naman iyon ang unang pagkakataong hinalikan nya ako, pero nahihiya pa din ako dahil sa pangalawang pagkakataon ay hinayaan ko ulit sya.

"Staring is rude." mas lalong uminit ang aking mukha ng marinig ko iyon sa kanya na ngayon ay nakangisi na.

Ngumuso ako at akma ulit tatayo pero hinila nya ako dahilan para masubsob ako sa dibdib nya.

"Marcus!" suway ko sa kanya at hinampas ng mahina ang balikat nya.

Tumawa sya ng mahina, ramdam ko ang labi nya sa aking buhok.

"Did you get enought sleep last night?" tanong nito.

Tumango ako.

"Cause I didn't." sabi nya. Nilingon ko sya. Nakatitig sya sa akin.

Umiwas ako ng tingin dahil doon.

"Cute." sabi pa nito.

"Naiihi na 'ko." sabi ko sa kanya. Totoo namang naiihi na ko. At isa pa, nakakahiya sa kanya! Hindi pa ako naghihilamos, sabog sabog pa ang buhok ko, samantalang sya, ang ayos ayos pa din ng itsura.

"Ayt. Come back here after. It's too early to get up." sabi nya gamit ang tinatamad na tono.

Dali dali akong bumangon at halos takbuhin na ang banyo.

Umihi ako, nag hilamos at nagtoothbrush. Hindi ko na muna sinuklay ang aking buhok.

Pagtapos sa banyo ay agad akong bumalik sa kwarto.

Ang isang braso nya ay nakapatong sa kanyang mga mata.

Dahan dahan akong gumapang sa kama. Siguro ay naramdaman nya ang paglapit ko kaya nagmulat sya.

Tinapik nya ang pwesto kung saan ako nakahiga. Agad ko syang sinunod.

Pagkahigang pagkahiga ko ay agad nyang ipinulupot ang kanyang braso sa akin.

"Let's sleep again, please? I'm still sleepy and I feel like I can't sleep without you." bulong nito. Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko, may kung anong bagay ang humahalukay sa aking loob. Hindi na lang ako sumagot, ipinikit ko na ulit ang aking mga mata at hinayaan ang sarili na muling matulog.

****

Pupungas pungas akong bumangon sa kama.

Tirik na tirik na ang araw. Mukhang ang haba ng naitulog ko. Wala na si Marcus sa aking tabi.

Inaayos ko ang aking buhok ng pumasok sya. Halatang kaliligo lamang nya. Nasa tenga nya ang kanyang cellphone at may kausap na kung sino.

"Who? Oh. I'm on vacation. Yeah. Bye. Gotta go." Paalam nya at agad ibinalik ang cellphone sa lamesa.

"Hey, Goodmorning. I'm sorry I didn't wake you up. Ang sarap kasi ng tulog mo— by the way, breakfast is already here, c'mon." sabi nito habang papalapit sa akin.

Bumaba na ako sa kama at inakbayan nya ako. Sabay kaming naglakad papunta sa veranda ng kwarto at sabay kumain.

.

.

"Did you bring any swim wear?" tanong nya habang umiinom ng kape.

Umiling ako. Hindi ko naman alam na may oras pa kami para maglangoy.

The knight JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon