6.

521 20 4
                                    

Dalawang linggo ng nakakaraan simula ng mag krus ang landas namin ng lalaking iyon. Isang linggo na din akong nagtatrabaho bilang waitress, pero ang totoo..

Hindi pa din ako tumitigil sa club. Nakiusap kasi sa akin ang manager na kung pwede daw ay dalawang linggo pa. Hindi ko naman sila matanggihan. apat hanggang limang oras lang naman ang trabaho ko bilang waitress. Hindi ganoong kataas ang sweldo dahil nga sa part timer lang ako.

"o? mamaya ka pa ba uuwi?" tanong ni Cyra sa akin habang nag aayos ng gamit nya. Tapos na ang duty namin pero alas sais pa lang. Medyo maaga pa.

"Ahm, oo." sagot ko. Tumango lamang sya. Sinabi ko sa kanya kung anong trabaho kapag gabi. Akala ko nga noong una ay huhusgahan nya ako, pero nagulat na lang ako ng bigla syang pumalakpak. Ang astig ko daw.

Ayaw ko sanang magtiwala sa isang tao na halos isa o dalawang linggo ko pa lang na kakilala, pero si Cyra-iba sya. Kahit papaano ay kaibigan na ang tingin ko sa kanya.

"pano? una na ko ah? Ingat ka sa daan pag uwi." paalala nya bago kami maghiwalay ng landas.

Kagaya ng inaasahan ko, maaga pa lang ay may mga tao na sa loob.

"kyla?" tawag sa akin ng isa kong kasamahan. Matagal na sya rito.

"bakit?" tanong ko. Sobrang igsi ng shorts nya at fitted na sleeveless ang damit. Makapal na pulang lipstick ang nasa labi, malaking hikaw at may sigarilyo sa bibig.

"Pwede bang humingi ng pabor?" sya sabay hithit buga ng sigarilyo.

Pabor? Anong klaseng pabor na naman kaya?

"a-anong pabor?"

"Ahm, may gusto kasing umarkila sa sayo. Sinabi ko na hindi ka pwede pero matigas ayaw pumayag. Gusto talaga ikaw."

"Arkila? Naku, pasensya na pero ayoko." sagot ko. Hindi ako pumapayag sa mga ganyang alok nila.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may gustong kumuha sa akin. Karamihan bachelors party daw, pero hindi ako pumapayag. Hindi naman nila ako pinipilit, ngayon lang.

"Sige na, please? 15k ang bayad. Sayo na ang kalahati doon at ang pagkarinig ko, may ibibigay pang bukod sa iyo kapag pumayag ka." pilit nya. Labing limang libo tapos may kasunod pa? Sinong matinong tao ang magbabayad ng ganoong kalaki para sa isang babaeng maghuhubad lang sa harapan nya. Maghuhubad nga lang ba? Duda ako.

"Wag kang mag alala. Maghuhubad ka lang naman tapos konting sayaw. Sige na. Bachelors party yun. Limang lalaki. Mukha naman silang matino, kung tutuusin nga ay napakagalang nung dalawang lalaking kumausap sa akin." patuloy nya.

"please, kyla? Last na to. Sige naman na oh, para sa kin lang? Para sa min ni Bakla?" pagmamakaawa nya. Kung tutuusin ay wala akong karapatang tumanggi. Trabaho ko naman talaga ito.

"sige na oh.. kailangan ko din kasi ng pera ngayon, inatake na naman ng hika si Aron, hindi ko man lang mapatingin sa doktor. Kung pwede nga lang na ako na lang ang sumalo ay ayos lang, kaya lang ikaw talaga ang gusto."

Si Aron. Ang anak nya. Kung hindi ko nga lang sya kilala ay aakalain kong nangongonsesya sya, pero hindi. Totoong sakitin ang anak nya at sya lamang ang bumubuhay dito dahil tinakbuhan sya ng nakabuntis sa kanya.

Tiningnan ko syang maiigi. Kung hindi dahil sa kanila ni bakla, malamang kahit high school di ko matapos.

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"a-anong oras ba?" utal na tanong ko. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha nya.

"Payag ka na? Yess! Thank you beh. Anghel ka talaga." tuwang tuwa na sabi nya habang niyuyugyog ang balikat ko.

The knight JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon