Dedicated to @msyamii
thank u so much sa votes :) This chapter is for you ;D Enjoy :)))
Sobrang sakit ng katawan ko at pakiramdam ko ay mamanhid na ito.Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Wala akong makita. Sobrang dilim.
Sinubukan kong gumalaw. Hindi ko magawa. Ang dalawa kong paa ay nakatali ganun din ang aking mga kamay. Unti unti ay bumagsak ang mga luha ko sa takot.
Sinusubukan kong sumigaw, wala na akong boses. Hindi ko na halos makilala ang sarili kong boses. Anong gagawin ko?
Wala akong gagawin, wala akong magagawa sa kalagayan ko ngayon.
Pinipilit kong makawala. Makawala sa empyernong kinasasandakan ko ngayon pero hindi ko kaya.
Maya maya lamang ay nadinig ko na ang mga yabag sa labas.. patungo sa kinaroroonan ko. Pinilit kong kumalma at muling ipinikit ang pagod kong mga mata.
Nadinig ko ang maingay na pag ingit ng pintuan.
Ramdam ko ang paglapit sa akin ng taong alam kong syang dahilan kung bakit ako nandito.
Lumapit sya aking pwesto. Sa matigas na higaan kung saan nakalapat ang aking hubad na katawan.
Hinila nya ang upuan sa tabi.
"Napagod ka ba namin, hmm? Wag kang mag alala may dala akong pagkain para sayo." malambing na tanong nya habang pinapasadahan ng kanyang kamay ang aking hita. Wala akong magawa kung di ang pigilin ang paghikbi.
"Wag ka ng umiyak. Hindi mo ba nagugustuhan ang mga nangyayari? Hindi ka ba namin napaligaya? Kulang pa ba kami para sayo?" tanong nya. Baliw ang isang ito. Isa syang baliw na demonyo!
Gustuhin ko mang magsalita at sumagot ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay wala ng tinig na lalabas mula sa lalamunan ko.
Tumunog ang kanyang cellphone kaya saglit nya akong tinantanan. Mula sa pagiging baliw ay nagbago ang uri ng pananalita nito ng sagutin ang tawag. Animo'y isang kagalang galang na tao.
"Ok. I'll be there in a minute." dinig ko pang sagot nya bago ibaba ang cellphone at muling ibalik sa kanyang bulsa.
Lumapit muli sya sa akin at doon nya inisa isang tanggalin ang mga tali sa aking paa at kamay.
"Dito ka muna. May aasikasuhin ako sandali sa labas." paalam nya. Gusto kong tumutol pero wala akong kakayanang gawin iyon.
Lumabas sya ng kwarto at naiwan akong nakahiga pa din, pinapakiramdaman maiigi ang aking katawan.
Sumara ang pintuan, hudyat na wala na sya. Dahan dahan at pilit akong tumayo, iniinda ang sakit ng katawan dulot ng pangbababoy nila sa aking katawan. Naaalala ko pa kung paano nila pinagsawa ang sarili nila sa akin, kung paano nila ako pinagtulungan na para bang isa lang akong uri ng hayup. Mga demonsyo sila!
Akala ko noong una ay gaganda na ang magulo ko at miserable kong buhay dahil sa kanya, pero sya din ang nagdala sa akin sa pangyayaring ito na hinding hindi ko makakalimutan hanggat nabubuhay ako. Baliw sya. Baliw ang taong iyon. Kaya kailangan kong makaalis sa lugar na ito, hindi ko alam kung paano basta kailangang gawin ko. Sawa na akong maghintay sa kung sino man ang pwedeng tumulong sa akin.
Kumakalam na ang aking sikmura dahil sa gutom, kinapa ko ang tray na may lamang pagkain sa aking tabi. Hindi ko alam kung anong klaseng pagkain ito dahil hindi ko naman makita dahil sa dilim.
BINABASA MO ANG
The knight Job
General FictionHe can save you from being dirty.. But no.. He can't save your heart from being broken.. Marcus Mendoza's story..