4. Cold shower

592 19 3
                                    

"a-ano bang kailangan mo?" naiinis na tanong ko sa lalakeng nasa harap ko. Bakit ba sya pasulpot sulpot? Sinusundan ba nya ko? Gwapo sya pero nakakairita na.

"Stand up." malamig na utos nya. Padarag kong pinunasan ang luha ko sa mukha. Anong problema nya?

"ano bang problema mo? Kanina ka pa ah. At saka bakit mo ba ko kinakausap at pinapakealaman hindi naman tayo magkakilala, umalis ka na nga." sigaw ko sa kanya pero parang wala lang sa kanya. Nanatili lamang syang nakatayo at parang hindi ako naririnig kaya mas lalo akong nainis.

"bingi ka ba? sabi ko umalis ka na sinasayang mo lang ang oras mo." pero kagaya kanina, nanatili lamang itong nakatingin sa akin. Tumayo ako kinuha ang mga gamit ko, kung ayaw nya, ako ang aalis.

Naiinis akong naglakad paalis sa harapan nya pero wala pa mang ilang hakbang ay naramdaman ko ang pag angat ko sa lupa. Hala.

"h-hoy! ibaba mo n-nga ako!" sigaw ko na para bang isa lang akong tuwalyang isinampay nya sa balikat.

"shh." yun lang ang narinig kong sinabi nya habang ako ay nagwawala na. Sino ba ang lalaking to? Nakakairita.

Halos mapamura ako ng buksan nya ang isang sasakyan at parang unan akong itinapon sa loob habang sya ay umikot para makasakay. So, kotse nya to?

"s-san mo ba ko dadalhin? Sino ka ba? bakit mo ko sinundan?!" sunod sunod na tanong ko pero nanatili lamang syang tahimik hanggang sa buhayin nya ang makina ng sasakyan at simulang magmaneho.

"Tss. stop asking too many questions, will you? Your mouth is so damn irritating." sagot nya. Ang kapal talaga. Malamang may karapatan akong magtanong dahil kinaladkad nya ako para sumama sa kanya.

"Umayos ka nga ng upo mo. Itikom mo yang hita mo." sita pa nya.

"sinunsundan mo ba ko?" matapang na tanong ko.

"why would I stalked you? Napadaan lang ako at nakita kita, sleeping there like a beggar kaya nilapitan kita." dire diretsong sabi nito. Lalo akong nainis. Beggar? Ano ngayon sa kanya.

"wala ka bang bahay na tutuluyan?" tanong nito. Hindi ako sumagot.

"Wag mo kong kaawaaan." yan lang sinabi ko, naawa sya sa akin kaya nya ako dinaanan at ayaw ko ng ganun.

"Hindi ako naaawa sayo dahil dun ka natutulog, naaawa ako sayo dahil ganyan ka."

"Kung sinama mo lang ako sayo para insultuhin, ibaba mo na lang ako." galit na sabi ko.

"I'm not insulting you, I am just describing you." sagot nito na para bang wala lang sa kanya ang mararamdaman ng kausap nya. Bastos.

"ibaba mo na lang ako!" galit kong sigaw habang nagpupumilit na ibukas ang pintuan. Narinig ko ang sunod sunod nyang pagmura.

"Damn. Will you please calm down and shut the hell up? I'm trying to give you a better place to sleep tonight." seryosong sabi nito, medyo natakot ako kaya nanahimik muna ako. Pero hindi ko maiwasang magtaka. Sino ba sya? Ano ba talagang kailangan nya? Hindi ako naniniwalang gusto nya lang akong tulungan, alam kong may kapalit pero hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung ibang lalake ito ay paniguradong takot ang mararamdaman ko pero bakit hindi ako nakakaramdam ng ganun sa kanya? Pakiramdam ko nga ay ligtas ako. Ligtas ako sa kanya.

"andito na tayo." seryoso pa ding sabi nya bago itigil ang sasakyan sa isang gusali. Condo.

"Bilisan mo, ayoko ng pinaghihintay ako." sabi nya, hindi ko alam kung anong meron sa salita nya at napapasunod nya ako.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng magara nyang sasakyan at lumabas bitbit ang mga bag ko.

Sumunod ako sa kanya at di ko maiwasang mahiya ng makita ko ang klase ng tingin ng guard sa amin. Lalo na sa akin.

The knight JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon