Nagising ako dahil sa kumukulong tyan ko. Napabangon akong bigla sa malaki at malambot na kamang kinahihigaan ko. Medyo nahihilo ako at hindi ko alam kung bakit.
Inilibot ko ang aking mata sa loob ng magandang kwarto bago maalala lahat ng nangyari kagabi. Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong wala namang masamang nangyari sa akin. Pero inaamin ko, sobrang kaba at takot ang naramdaman ko sa kanya kagabi. Mabuti na lamang ay biro lang dahil kung hindi.. baka nabaliw na ako.
Nahagip ng mata ko ang isang maliit na orasan sa tabi ng kama at halos mapatalon ako dahil alas nuebe na. Umpisa na ng training ko!
Dali dali akong lumbas ng kwartong iyon kahit na nahihiya akong harapin ang lalaking nagdala sa akin dito.
Paglabas ko ay napasimangot ako, walang tao dito sa sala nya.
Umikot ako at pumunta sa kusina pero wala pa din. Babalik sana ulit ako sa kwarto ng makita ko ang pagkaing nakahain sa mesa at isang dilaw at maliit na papel na nakalagay sa tabi ng plato.
Kinuha ko ito at binasa.
Eat your breakfast and don't go anywhere.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. Don't go anywhere daw. Napailing na lang ako. Balak ba nya akong ikulong dito?
Hindi ko na iyon inintindi at umupo na lamang para kumain. Hotdog, sinangag, itlog, tinapay at bacon ang pagkaing nakahain sa aking harapan at di na ako nag aksaya pa ng oras at kinain na iyon. Halos wala kasi akong kain kahapon kaya sobrang gutom ang nararamdaman ko ngayon, kaya siguro ako nahihilo.
Pagkatapos kumain ay pumasok ako sa banyo para maligo.
Pagtapos maligo, mag bihis at mag ayos ay kinuha ko na ang mga bag kong dala dala.
Lalabas na sana ako ng may bigla akong naalala. Muli kong iniwan ang mga dala ko at dali daling naghanap ng papel at ballpen.
Nang makakita ay agad akong nagsulat doon para mabasa nya pag dumating na sya at saka iyon iniwan sa lamesa.
Dali dali na akong umalis dahil may trabaho pang nag aabang sa akin. Muli kong sinulyapan ang gusaling iyon at napangiti. Sa unang pagkakataon sa mahigit ilang taong lumipas, ngayon na lang ulit ako ngumiti ng totoo. Hindi ko sya kilala pero malaki ang utang na loob ko sa kanya.
MARCUS POV
Kanina ko pa pinaglalaruan ang ballpen na hawak hawak ko. Ang bagal ng oras.
Tiningnan ko ang lalaking nagsasalita sa harap, can he make it a little faster? Ang kupad. Dami pang sinasabi.
"any questions, Sir? Regarding to our sales?" Tanong nya.
"None. Let's call it a day." yun lang ang sinabi ko bago tumayo. They were all staring at me na para bang hindi makapaniwala. Tsk. Ayaw pa nila? Ang bait ko nga ngayon e.
Hindi ko na lang sila pinansin at lumabas na lang.
I looked at my wrist watch, bakit ang bagal ng oras? At higit sa lahat bakit ba parang atat na atat akong umuwi?
I went straight to my office to finish some stuffs.
"Sir, what do you want for lunch?" tanong sa akin ng secretary ko. Nakasanayan na din kasi nya.
Tiningnan ko ulit ang oras sa relo ko. 11:18. Dang.
"Nah. I'm good. Ako na lang bibili."
"ahm, ok po sir. Pinap—"
"By the way, babe. Cancel my meeting with Mr.De guia."sabi ko.
"That's what I'm saying sir, nauna na po syang mag cancel. Your next meeting with him will be tomorrow at 2." she said. I nodded.
"Thank you, babe, tell Lorgan uuwi muna ako, I will be back at 1 pm." paalam ko. She just nod at went out.
Ako naman ay umalis para bumili ng lunch. For two. Napakamot na lang ako ng ulo. Seriously? What's with me? Hindi ko nga sigurado kung nasa condo ko pa sya eh, bahala na.
Pumunta ako sa pinakamalapit na kainan just to buy lunch for me and for.. Ahm. Angel. I don't know her name yet, then after I drove to my condo
JOAN'S POV
Medyo nakakapagod din pala kahit training pa lang. Mabuti na lamang kanina ay nagsisimula pa lang. Akala ko ako lang ang mag isa, dalawa pala kami.
"Ui, sis. Nakita ko yung mga dala mo kanina. Wala ka bang bahay?" tanong ni Cyra, iyong isa din sa mga trainee. Kasalukuyang lunch time at sabay kaming kumakain na dalawa. Libre ang lunch kaya tipid pa din.
"Ahm, oo eh. p-pinalayas kasi ako sa tinitirhan kong apartment." nahihiya kong sagot.
"Ay, naku! tamang tama sis, naghahanap ako ng kahati sa renta. Sa apartment na tinutulyan ko, gusto mo? Maayos naman doon saka hindi mahal. Mabait pa may ari." tila masayang sagot nya.
"t-talaga? M-magkano ba?" tanong ko.
"1,200. 2,400 lang kasi kapag solo. Ano, ok ba?" tanong nya.1,200?
"wag kang mag alala, maayos doon, di ka manghihinayang saka mabait si Ate Nena, yung may ari kaya ok na ok dun." patuloy nya.
"Oo naman, sige sasabay ako sa iyo mamaya." sagot ko. Okay lang sa akin kahit saan, basta maayos naman kahit papaano.
"Hay, salamat. Hindi ka lang pala basta maganda, anghel ka!" tuwang tuwang sabi nya. Napangiwi ako. Marami ng nagsasabing maganda ako at mukhang anghel, at nahihiya ako kapag pinupuri nila ako ng ganun. Kung alam lang nila..
Pagkatapos naming kuamin ay balik training ulit kami, paano mag dala ng mabibigat na tray, paano mag serve ng maayos sa customer, paano mag handle ng complains at kung ano ano pa. Hindi ko namalayang mag aalas kwatro na ulit kami natapos.
"ay grabe no? nakakapagod naman. Training palang yun? paano kaya kapag nag simula na tayo." si Cyra habang nag aayos ng sarili sa pag uwi.
"oo nga eh, ahm malapit lang ba dito yung tinitirahan mo?" tanong ko.
"oo naman, wala pang kalahating oras andito ka na." sabi nya at sabay kaming lumabas ng banyo.
Paglabas namin ng restaurant na iyon ay agad kaming pumila sa sakayan ng jeep ng may mahagip sa di kalyuan ang aking mata.
"ay, sis. Ang gwapo nun oh! Shit, si Marcus Mendoza yan, kilala mo? Mayaman yan." medyo kinikilig nyang sabi habang nakatingin sa lalaking may kasamang babae.
"ah' h-hindi eh." pagsisinungaling ko. Marcus pala ang pangalan nya. Pero hindi ko naman talaga sya kilala. Mayaman? Alam ko namang mayaman nga sya.
"ay naku, sikat kaya yan lalo na dito. Wag kang mag alala, makikilala mo din yan, sabi kasi ng kaibigan kong nagtatrabaho sa resto dati, favorite daw yang kainan ni Marcus. Hindi ka ba na eexcite? Palagi natin syang makikita pag nakapag simula na tayo." tuwang tuwang sabi nya. Matutuwa? Dapat ba akong matuwa? Bakit kailangan kong matuwa kung sakali? Wala namang dahilan diba?
"sayang nga lang, mukhang may girlfriend na." iiling iling na dugtong nya.
Girlfriend? Siguro nga mukha ding mayaman kagaya nya. Muli ko syang tiningnan bago sumakay. Bakit ang gwapo nya? Bakit parang napaka perkpekto nya? at bakit.. at bakit parang may kung ano sa dibdid ko kapag nakikita ko sya? Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
Masyado syang perkpekto para pangarapin ng isang kagaya ko.. Hindi sya bagay na maging parte ng buhay ko, ng pagkatao ko kahit na sa pangarap lang.. Wala akong karapatang magustuhan ang kagaya nya. Kagaya nyang mataas.
BINABASA MO ANG
The knight Job
General FictionHe can save you from being dirty.. But no.. He can't save your heart from being broken.. Marcus Mendoza's story..