hello :)
Sa halos isang linggo lamang ay natutunan ko na ang aking trabaho. Nakakapagod pero ayos lang dahil nag eenjoy ako sa ginagawa ko.
"Sir, I received a call from Mr. Ynarez. Dadaan daw po sya dito."
Medyo naiilang pa din ako sa kanya- kay Sir Marcus pero hindi ko na lang iniintindi.
Napakunot ang kanyang noo.
"Bakit daw?"
"Wala po syang sinabi." sagot kong muli. Ipinagpatuloy ko lang ang pagtitipa ng keyboard.
Napakunot ang aking noo at napakurap kurap ako ng aking mata.
Sumasakit na naman ang ulo ko. Hindi kaya dahil sa mata ko? Nanlalabo na din kasi ito minsan, baka kailangan ko ng gumamit ng eyeglasses.
"are you okay?" nagulat ako ng magsalita sya. Nakakunot din ang kanyang noo at nakatingin sa akin mula sa table nya. Tumango lamang ako bilang pagsagot.
"You should visit a ophthalmologist." sabi nya pa.
"uhm opo Sir, naisip ko na nga po."
Tumango lang sya at ipinagpatuloy ko naman ang aking ginagawa.
Maya maya lamang ay itinigil ko muna ito at tumayo. Kailangan ko ng bumili ng pagkain.
"uhm, Sir. Magpapabili na po ba kayo ng lunch?" tanong ko. Tinitigan nya lamang ako sandali.
May kinuha sya sa kanyang drawer. Nagulat ako ng ibinigay nya sa akin ang kanyang wallet.
"Just bring it." sabi nya.
"Ano pong gusto nyo?" tanong ko bago lumabas.
"anything will do." sabi nya. Tumango na lang ako bago lumabas para bumili ng pagkain nya.
****
MarcusTinitigan kong maiigi ang pintuan kung saan sya lumabas. I shooked my head. Why am I so paranoid when it comes to her?
Everytime that she will go somewhere else pakiramdam ko palagi ay may gagawa ng masama sa kanya. Dang.
Kyla. Kyla. Kyla. What am I gonna do with you?
Tumayo ako para tingnan ang mga nagawa na nya. I smiled. She's a fast learner. Hindi sya matanong pag dating sa trabaho, parang si Babe lang.
I shooked my head. Her face crossed my mind again.
Her face. Her.. her body. Damn! Just damn! Napasama pa yata ang pag tanggap ko sa kanya sa trabaho but nah, she's good.
I looked at my wrist watch. It's been 10 minutes since she left, bakit ang tagal para sa kin? To think that is only 10 minutes.
Bumalik ulit ako sa upuan ko and I played my pen. Bakit ang tagal nya?
I was about to closed my eyes when someone's knocked at the door.
"Come in." malamig na utos ko. Napakunot ang aking noo ng makita ang isa kong empleyado na may hawak na supot.
"Uhm Sir, magandang tanghali po." sabi nito.
"Pinapabigay po ni Ms.Kyla. Nag CR lang daw po sya." he said and gave me the lunch that she bought.
"Thank you." sagot ko na lang pero ang totoo ay naiinis ako. Bakit sila magakakilala? Damn.
Ang sunod kong nadinig ay ang pagsara ng pinto.
Binuksan ko ang binili nyang pagkain, I cursed. Bakit isa lang? Bakit hindi sya bumili ng kanya?
BINABASA MO ANG
The knight Job
General FictionHe can save you from being dirty.. But no.. He can't save your heart from being broken.. Marcus Mendoza's story..