Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong maiyak dahil sa sinabi nya pero hindi ko alam kung bakit.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may sinabi syang masama sa akin at lalong hindi ito ang unang pagkakataong nakarinig ako ng ganung salita sa iba.
Muli akong huminga ng malalim para tapusin na ang aking trabaho.
Kahit na may maskara akong suot ay alam kong natatandaan nya ako.
Nakatitig lamang sya ng diretso sa aking mata habang nag hihintay ng aking gagawin, mas lalo akong naduwag. Mas lalo akong naduduwag.
"what are you waiting for?" naiinip na tanong nya. Bawat salita nya ay parang isang matalim na bagay na sumusugat sa akin.
Madilim ang kanyang mukha. Ang magaganda nyang mata ay ganun din.
"Just tell me kung ayaw mo para makaalis ka na. You're just wasting my time." sabi nya at saka tumayo.
"Bakit kanina game na game ka? Kung di pa nga ako dumating baka ngayon, wala ka ng suot, tama ba?" nang uuyam nyang tanong habang lumalapit sa akin.
Hindi ako malagalaw. Hindi ako makaimik. Nanatili lamang akong nakatayo na parang isang tuod at hinihintay ang kanyang paglapit.
Napapikit ako ng iangat nya ang kanyang kamay. Akala ko ay sasaktan nya ako pero nagulat na lamang ako ng maingat nyang ipinatong ang kanyang kamay sa pinsgi ko at dahan dahang inalis ang maskrang suot suot ko.
Napamulat ako hindi lang dahil doon kung hindi sa banayad na paghaplos nya sa pisngi ko.
"Alam mo ba kung gaano ka kaganda?" seryosong tanong nya habang patuloy sa paghaplos. Ang mga mata ay diretsong nakatingin sa akin. Nakakalunod na tingin.
Umiling ako. Hindi ko alam na maganda ako. Hindi ako naniniwala.
"You really look like an angel. It's funny how that look can deceived anyone. Nakakalinlang. Nakakaloko."
Iiling iling nyang dugtong.
"I-iinsultuhin mo na naman ba ako?" Sarcastic kong tanong. Nakakainis lang dahil hindi ko naman sya kilala pero nasasaktan ako sa mga sinasabi nya.
Ngumisi sya sa sinabi ko at hinawi ang buhok kong nakapatong sa halos hubad kong dibdib.
"I'm not. I'm just describing you. That's a different thing, baby." Patuloy nya habang pinakatitigan akong mabuti.
"Magkano ba? Magkano ba ang kailangan mo para itigil mo na yang ginagawa mo?" Seryosong tanong nya. Napanganga ako. Tinatanong nya ako? Seryoso ba sya?
Hinawi ko ang kanyang kamay na nakahawak na ngayon sa balikat ko at umiwas ng tingin.
"Hindi ko kailangan ng pera mo!" Matigas na sagot ko. Ano bang pakealam nya sa akin? At higit sa lahat bakit nya pinakikialaman ang aking trabaho?
"Really? Then why are you here? Dancing, stripping and getting yourself naked? Don't tell me that's for free? Oh c'mon."
"Can't answer huh?" Nanghahamong tanong nya. Naiinis na ako. Tumalikod na ako para pulutin ang kaninang hinubad ko.
"Aalis na 'ko. Pasensya na sa oras mong nasayang." matigas na sabi ko.at akmang lalakad na paalis.
"Magkano ba ang perang kailangan mo? Isang milyon? Dalawa? tatlo? Name it and I'll give it. Itigil mo lang yang ginagawa mo." mas lalo akong napanganga sa sinabi nya. Nahihibang na ba ang isang ito?
Bibigyan nya ako ng ganong kalaking pera para lang itigil ko na ang trabaho ko? Nasisiraan na nga sya.
"pasensya ka na po SIR, pero eto po talaga ang trabaho ko, kumikita po ako dahil sa ganitong trabaho. Tungkol naman po sa tanong nyo, siguro nga kailangan ko ng ganong kalaking pera pero hindi po ibig sabihin ay hihingi ako sayo. Mas gugustuhin ko pang maghubad gabi gabi kaysa tumanggap ng pera galing sa isang taong hindi ko naman kilala at lalong alam kong hindi ko pinaghirapan." matapang na sabi ko sabay hawi ng kamay nyang nakahawak sa braso ko.
BINABASA MO ANG
The knight Job
Fiksi UmumHe can save you from being dirty.. But no.. He can't save your heart from being broken.. Marcus Mendoza's story..