****
"Sigurado ka na ba? Ano ba kasing nangyari sayo?" nagtatakang tanong ni Cyra.
"Oo. W-wala namang nangyari. M-may nag alok lang sa kin ng ibang trabaho." palusot ko.
Umalis na kasi ako sa Cullens dahil sa nangyari noong nakaraan. Kagaya ng sinabi ko sa aking sarili, tahimik lamang akong aalis. Walang makakalam ng nangyari kahit isa.
"Ganun ba? Ikaw bahala. Nga pala may tsismis ako sayo." sabi nya at niyugyog pa ang balikat ko.
"ano ba yun?"
"Si sir Albert, natanggal sa trabaho at balita ko ay inaresto daw." sabi nya.
"i-inaresto?" di makapaniwalang tanong ko.
"Oo. Ang pagkakaalam ko ay isa daw sya pinaghihinalaang suspek sa pagkamatay ng asawa nya. Grabe no? Nakakatakot naman pala sya." sabi nito. Bigla tuloy akong kinilabutan. Mabuti na lamang talaga at nakatakas ako sa kanya dahil kung hindi ay baka may mas malala pang nangyari.
Hindi na lamang ako nagtanong pang ulit.
Pinatay na nya ang ilaw at humiga sa aking tabi.
"Goodnight." sabi nya bago tumalikod para matulog.
"Goodnight." sagot ko din sa kanya pero hindi muna ako nahiga.
Lumabas ako ng kwarto at sa maliit na silya doon umupo.
Napahilamos ako sa aking mukha. Hindi na naman ako makatulog ng ayos. Ilang araw na naman akong ganito.
Bumalik ako sa kwarto para maghanap kung may naitago pa akong sigarilyo at ng makahanap ay muli akong lumabas para manigarilyo.
Anong trabaho ang papasukan ko? Ayoko ng bumalik sa club. Kinapa ko ang aking bulsa kung saan nandoon ang papel na ibinigay sa akin ni Lorgan.
Subukan ko kaya? Baka sakaling matanggap ako.
Mga isang oras pa akong nag isip ng mahagilap ng mata ko ang isang bagay.
Barbie doll.
Lumapit ako at pinulot iyon. Bakit to napapunta dito?
Muli akong bumalik sa aking pwesto at pinakatitigan ang iniingatan kong laruan. Ang pinakaunang laruan na natanggap ko.
flashback
Anong oras na pero wala pang isang daan ang pera ko. Paano ako? Lagot na naman ako sa kanila.
Wala pa akong tanghalian at gabihan, gutom na gutom na ako.
Naglakad lakad ako sa plaza at umupo sa isang tabi.
Ang ganda ng buong paligid. Napakadaming christmas lights at parol sa bawat poste. Pasko na.
Kinuha ko ang barya sa aking bulsa at binilang iyon.
87 pesos lang. Nagsisimula na akong kabahan at umiyak. Lagot ako. Paniguradong magagalit na naman sila sa akin. Anong gagawin ko? Natatakot ako.
Sa kabilang banda naman ay may natanaw akong isang pamilya na masayang kumakain kaya lalong kumulo ang aking sikmura dahil sa gutom.
Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanila at mahinang umiyak sa isang tabi. Gusto ko ng umuwi kay nanay. Sa kanya lang naman ako masaya.
"Hey you poor kid." napalingon ako sa batang nasa harap ko. Anong sinabi nya? Hindi ko sya naintindihan. English kasi.
May dala syang plastik pero hindi ko alam kung ano ang laman nun.
BINABASA MO ANG
The knight Job
General FictionHe can save you from being dirty.. But no.. He can't save your heart from being broken.. Marcus Mendoza's story..