18. Akin sya

431 16 9
                                    

Paglapag na paglapag pa lang ng eroplanong sinakyan namin ay may nakaabang agad sa aming talong unipirmadong lalaki. Dalawa na parang mga gwardya at isa naman ay driver.

"Magandang umaga po, Ma'am and Sir." bati nung lalaking naka puting kasuotan. Kinuha nya ang mga gamit namin at ipinasok sa loob ng magarang sasakyan.

Hinawakan ni Marcus ang aking kamay at pumasok na din kami sa loob.

Nasa magkabilang gilid namin ni Marcus ang dalawang armadong gwardya. Kung sa ibang sitwasyon nga lang ay baka natakot na ako. Ganito ba sya kahalagang tao at kailangan pa talagang may ganito? Sabagay. Hindi naman kasi sya basta bastang tao lang, sya si Marcus Dayne Mendoza.

Napatitig ako sa mga kamay naming magkahugpong pa din hanggang ngayon.

Isinandal nya ang aking ulo sa kanyang balikat.

"you can have a nap, two hours pa ang byahe." sabi nya.

Medyo inaantok naman ako kaya ipinikit ko na lang ang mata ko. Mas lalo pa akong inantok dahil sa lambing at gaan ng mga kamay nyang humahaplos sa aking buhok.

****

Naalimpungatan ako ng madinig si Marcus na may kausap sa kanyang cellphone.

"What? Wala ako dyan. Damn it. Will you please calm down? I'm not, okay? I'm not- Aryt. I-I love you too, I need to hang up. Bye."

Muli kong ipinikit ang mga mata ko, bakit parang ang sakit? Parang ang bigat? Ang sakit at ang bigat sa dibdib ko na marinig mula sa kanya ang mga salitang iyon. Para sa ibang tao.

Hindi ko sya maintindihan. Hindi ko maintidihan ang relasyon na meron kaming dalawa. May mahal syang iba pero bakit kakaiba din ang ipinapkita nya sa akin? Bakit parang may iba pa. O sadyang nag aassume lang ako?

Hindi nagtagal ay iminulat ko na ang mata ko at tinanggal ang pagkakasandal ko sa balikat nya. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Mali ito. Maling mali. Sanay akong mag isa. Sanay akong walang kakampi. Sanay akong sarili lang ang iniintindi at hindi itong ganito. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Masyado na akong napapalapit sa kanya, masyado na akong nasasanay.

"are you okay?" tanong nya.

Nilingon ko sya.

May kung ano naman akong naramdaman sa dibdib ko.

Umiling ako at umiwas ng tingin sa kanya.

Magsasalita pa sana sya ng tumigil na ang sasakyan.

Nilingon ko ang labas at halos malaglag ang aking panga. Ang ganda ng dagat!

Nauna ng bumaba ang dalawang gwardya at kami naman ay sumunod na.

Napalunok ako. Ang ganda. Ang taas. Ang gara.

"One of our highest hotel." dinig kong sabi nya. Muli ko syang nilingon sa aking tabi na nakatingala din ngayon.

"We're here to talk to some of the possible investors and soon to be partners." sabi pa nya.

Napakagat ako ng labi.

Sa sobrang ganda ay wala akong masabi. Hindi basta basta ang lugar na ito.

"Come on?"

Tumango lamang ako at sumunod sa kanila sa paglalakad.

****

Halos hindi ako makatingin sa lahat ng bumabati at sumasalubong na staffs sa amin. Kita sa mga hitsura nila ang pagkataranta pagkapasok pa lamang ni Marcus.

Nauuna syang maglakad at ako ay nasa kanyang likuran.

Tumigil sya sa paglalakad kaya muntikan na akong mauntog sa kanyang likuran.

The knight JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon