14. uncle

389 16 3
                                    


****

"Ms. Franca?" Halos mapatalon ako sa gulat ng madinig ko ang pagtawag nya.

Dahan dahan akong lumingon sa kanya na ngayon ay nakatayo sa likuran ko.

"S-sir, may kailangan po kayo?" Kinakabahang tanong ko.

Kumunot ang kanyang noo at pinakatitigan ako.

"You're avoiding me." malamig na sabi nya. Napayuko ako.

Buhat ng mangyari ang insidenteng iyon ay mas lalo kong inilayo ang sarili ko sa kanya.

Nahihiya ako.

Nahihiya ako dahil sa ginawa nyang paghalik pero hindi ko sya nagawang itulak at hinayaan ko lang sya.

"P-po. Hindi naman po sa ganun." medyo naiiling kong sagot.

Bumuntong hininga sya.

"I'm sorry." sabi nya dahilan para mapatingin ako sa kanya at salubungin ang kanyang tingin.

"Kalimutan na lang po natin." sagot ko. Tumango lang sya at ngumiti ng tipid bago muling bumalik sa lamesa nya. Ako naman ay ipinagpatuloy ang ginagawang trabaho.

Nag sorry sya. Ibig sabihin hindi nya gusto ang nangyari.

Bakit ba 'ko nadismaya? Dahil ba iniisip kong gusto nya ako kaya nya ginawa iyon?

Lihim akong napangiti ng mapait. Sino ba naman ako para magustuhan nya?

Kalokohan.

Kailangan ko na syang tanggalin sa isip ko kahit na imposible dahil nagtatrabaho ako sa kanya.

Gusto kong idistansya ang sarili ko dahil ayokong umasa sa kanya. Sa mga pinapakita nya. Ayoko nang maulit ang nangyari noon. Dapat na akong madala. Hindi lahat ng pinapakitang mabuti ng tao sa paligid ko ay totoo.

Pero aamininin ko, pakiramdam ko ay ligtas ako 'pag sya ang kasama ko. Kaya nga ako mas lalong natatakot dahil alam kong mali. Mali na ilapit ko ang sarili ko sa kanya dahil alam kong maaaring iyon ang makapagpahamak sa kanya. Lalo na ngayon.. Ngayong alam na nya kung nasaan ako.

Ang demonyong sumira sa buhay ko. Ang lalaking pinagkatiwalaan ko. Ang lalaking akala ko ay babago sa takbo ng buhay ko. Ang lalaking kinamumuhian ko.

Inalog ko ang aking ulo ng maramdaman ko ang sari sari na namang emosyon. Kailangan ko muna silang isantabi sa isip ko.

Nang matapos ang ginagawa ko ay tumayo na ako para ipakita at mai distribute ko na sa iba pang departments.

"Ahm, sir. Tapos na po, pirma nyo na lang po." Sabi ko ng makalapit sa pwesto nyo habang hawak hawak ang mga papel na kailangan kong papirmahan.

Walang imik nya itong kinuha at pinirmahan at muling iniabot sa akin.

Tahimik lang din akong lumabas at nagsimula ng gawin ang pag didistribute sa iba't ibang departamento.

"Hai, Ky." napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Hindi ko matandaan ang kanyang pangalan pero alam kong nagpakilala na sya sa akin noong nakaraang araw, kung di ako nagkakamali. Tipid ko syang nginitian at naglakad na ulit papunta sana sa financing department pero hinabol nya ako.

"Uhm, w-wait Ky." habol nya kaya muli ko syang nilingon.

"Bakit? May kailangan ka ba?" tanong ko. Ngumiti sya. Aminado naman akong may itsura sya, kung tuuusin ay gwapo nga. Pero wala akong interes lalo na ngayon.

"Uhm, nag lunch ka na ba? Kung hindi pa,uhm.. Ayos lang ba k-kung sabay tayo?" kakamot sa ulong tanong nya. Tatanggi na sana ako pero muli na naman syang nagsalita.

The knight JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon