23. Being honest

377 14 9
                                    

Matapos mag paalam ay dumiretso na kami sa labas.

Naandoon ang driver ni Marcus na agad kaming pinagbuksan ng pintuan. Dali dali kaming pumasok.

Sa loob ay agad akong nakaramdam ng kaginhawaan ng sumadal ako sa upuan.

"Just take a nap." utos nya. Nakaramdam ako ng init kaya hinubad ko ang kanyang coat at muli akong sumadal. Pinikit ko ang aking mata.

May pinag uusapan sila ng kanyang driver na hindi ko na inintindi dahil unti unti na akong hinihila ng antok.

.

.

.

Nagising ako dahil sa busina ng sasakyan.

Napalingon sa akin si Marcus.

"We're almost there." sabi nya. Napakunot ang aking noo ng mapagtantong malayo ito sa tinutuluyan ko.

"Huh? E hindi naman ito ang papuntang apartment na tinutuluyan ko." sabi ko.

"You won't sleep there. You stay at my house."

"pero—

"No buts. Bukas na lang kita iuuwi. Don't worry, I'll already informed your friend na sa akin ka muna." sabi nya .

Tumahimik na lang ako.

Pumasok kami sa pamilyar na lugar. Sa bahay nya kami pupunta. Nagtataka ako. Bakit bumili agad sya ng bahay gayong wala pa naman syang pamilya. May condo unit naman sya, pwede naman sya sa bahay ng parents nya. Pwede naman saka na lang sya bumili kapag mag papamilya na sya.

Bumaba na kami ng sasakyan ng nasa tapat na kami ng bahay nya.

Nagpasalamat sya sa kanyang driver bago kami pumasok sa loob.

Agad kong ibinagsak ang aking katawan sa kanyang malambot na upuan. Lumuhod sya sa paanan ko at maingat na hinubad ang aking stilletos na suot. Napanganga ako.

"That's too high." sabi nya habang banayad nyang minamasahe ang aking paa. Nakaramdam ako ng sobra sobrang kaginhawaan.

Pagkatapos ng isa ay iyong isa naman. Napaungol ako ng mahina ng bahagya nya itong pisilin.

Nadinig ko ang mahina nyang pagtawa kaya nilingon ko sya.

"Hindi na lang sana kita pinag suot ng ganito." sabi nya.

"let's go to our room? Magpalit ka na so you can rest." sabi nya. 'Our' room. May kung anong humaplos sa aking puso at kinilabutan ako dahil doon.

Inalalayan nya ako papunta doon at sumipol. Inirapan ko sya ng makita kung saan sya nakatingin. Tumawa lang sya. Ito na naman ang pagkapilyo nya.

Binuksan nya ang ilaw. Agad kong napansin ang malaking pagbabago doon. Mas naging maliwanag ang disenyo nito. Hindi na ito kagaya noon. Bago ang kama, mas malaki ito at ganun din ang mga kurtina. Ang pintura ay iba na din. Napatanong ako sa sarili. Kailan pa nya ito pinabago? Wala naman akong karapatan kaya hindi na lang ako nagtanong sa kanya.

Hinubad nya ang kanyang long sleeve. Pinagmasdan ko lamang sya hanggang sa tumambad sa akin ang sugat na nakuha nya noong nakaraang tatlong linggo. Hindi ko mapigilan ang hawakan iyon. Hindi pa ito sobrang magaling.

"Masakit pa ba?" tanong ko. Umiling sya. Ang pag aalala ko noon sa kanya ay muli ko na namang naalala. Akala ko talaga ay di na sya magigising. Tatlong araw syang natutulog at walang malay.

Hinuli nya ang aking kamay.

"I'm okay." matipid syang ngumiti. Tumango ako.

Nakatingala ako sa kanya at sya naman ay bahagyang nakayuko para magsalubong ang aming mata. May kung ano na namang bagay sa aking dibdib na natatakot akong pangalanan. Napapikit ako at kasabay noon ang paglapat ng malambot nyang labi sa labi ko.

The knight JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon