8. Katahimikan

483 16 4
                                    

Mag isa lamang akong nagmumukmok sa isang tabi malapit sa dagat.

Maganda ang buong tanawin at mas gugustuhin ko pang titigan itong magdamag kaysa makipag inuman kasama ng iba ko pang kasamahan.

Kasalukuyang dinaraos ang Company outing kaya halos silang lahat ay sinasamantala ang pagkakataon at nagpapakasaya habang ako ay pinagkakasya na lamang ang sarili sa pag masid masid sa paligid at sa tanawing magaganda.

Nag iinuman, nagsasayawan. Lahat ginagawa nila masulit lang ang isang araw na pahinga.

"Uy, kyla! 'ba mag enjoy ka naman." tukso ni Cyra. Ngumiti lamang ako ng tipid.

"Sige. susunod ako." sagot ko pero hindi pa din sya umaalis sa tabi ko.

"Dito ka na lang, babalik ako." sabi nya at mabilis na tumakbo paalis. Muntikan pa ngang madapa dahil sa puro buhangin ang natatapakan nya.

Saglit lamang ay dumating na ulit sya. May dalang apat na malalaking Redhorse. Napailing na lamang ako.

"Oh tagay na." inabot nya sa akin ang isa.

"Ang laki naman." biro ko, tumawa lang sya.

"Hindi nakakalasing pag maliit." sabi pa nya. Hindi na ako nagreklamo at uminom na lamang.

"ilang taon ka na nga ba?" tanong nya.

"22." maikling sagot ko.

Nagkwentuhan lamang kami tungkol sa aming mga sarili. Siguro ito pa lamang ang pangalawa o pangatlong pagkakataon na may nakausap ako na higit pa sa isang oras.

"kuha pa ulit ako." sabi nya bago muling tumayo. Hindi ko na sya pinigilan pa kahit na nahihilo na ako. Hindi naman kasi masyadong mataas ang tolerance ko pagdating sa alak.

Pagdating nya ay dalawa na lamang ang kanyang dala.

"Oh.." abot nya muli sa akin ng isa pa. Lutang na ang pakiramdam ko.

"Kaya pa?" natatawang tanong nya sa akin. Tumawa lang ako at tumango.

"ang ganda dito ano?" sabi ko.

"oo sinabi. Bonnga pala silang mag pa outing no? Talagang dito pa DG haha."

Hindi ko na masyadong naintindihan dahil sa nahihilo na ako.

Nilagok ko na para matapos na at saka umiling. Gusto ko ng mahiga.

"Cyra, babalik na ko sa hotel." sabi ko at hindi ko alam kung naintindihan ba nya ako.

"Oo sige, nalasing ka na haha. Susunod ako." sabi nya sa akin.

Tumango lamang ako at muntikan pa akong matumba ng biglaan akong tumayo. Tsk. Sinasabi ko na nga ba.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya sa aking tabi at ngumiti na lang din ako.

Someone's POV

Napapangisi na lamang ako sa malayo kapag namamasdan ko sya. Si kyla.

Hanep sa sexy at ganda talaga ng babaeng yan.

Nakatago lamang ako habang nag iinuman sila ni Ms. Alano. Maganda din sya pero mas type ko si Kyla.

Mas lalo akong nasasabik sa kanya. Napakasuplada kasi, mukhang palaban. Yan ang gustong gusto ko pero sa huli ay go na go naman. Tsk. Sigurado akong ganung tipo syang babae. Pabirhen at paiwas sa mga lalaki pero napagsawaan naman na ng iba. Mas lalo akong napangisi.

Alam kong maya maya lamang ay aakyat na sya taas kaya inunahan ko na.

Gustong gusto ko na syang matikman.
****

The knight JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon