Nagising ako sa isang madilim at di pamilyar na lugar.
Iginala ko ang aking mata. Bakit ako nandito?
Tumayo ako pero agad akong nawalan ng balanse. Bakit ang sakit ng katawan ko? At bakit.. at bakit hubad ako?
Pinilit kong lumakad kahit na nahihirapan ako.
May naaaninag akong maliit na bintana mula dito at doon tumatagos ang munting liwanag.
Nang sa wakas ay marating ko ito. Agad kong binuksan ang bintana, at tama maliwanag nga sa labas. Palagay ko ay hapon pa lamang.
Pero bakit parang walang tao? Bakit parang may mali?
Hila hila ang kumot na syang tanging nakabalot sa aking katawan ay naglakad muli ako pabalik sa kama at nadaanan ko ang isang maliit na salamin.
Minasdan ko ang aking sarili. May luha. Basang basa pala ng luha ang maamo kong mukha. Bakit?
Bakit ako nandito? Hindi ko matandaan na pumunta ako sa lugar na to.
Pinakatitigan ko ang aking mukha. May ilang pasa. Namumula din ang aking magkabilang pisngi at may sugat ako sa labi.
Nanginginig ang aking kamay at dahan dahang tinaggal ang kumot sa aking katawan.
Halos mapaupo ako sa panlulumo.
Ayoko ng ganitong pakiramdam. Parang walang hanggang katakutan ang bumabalot sa aking pagkatao.
Walang hanggang kalungkutan.
Dali dali akong bumalik sa kama para hanapin ang mga damit ko ng may marinig akong mga yabag mula sa labas.
Hindi ko na marinig pa ang sarili kong paghinga. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko.
Naririnig ko silang nagtatawanan. Hindi lang isa, hindi lang dalawa.. hindi lang sila tatlo. Base sa mga ingay na naririnig ko alam kong marami sila.
Anong gagawin ko? Baka saktan nila ako. Kailangan kong makaalis. Kailangan kong makatakas sa lugar na to pero paano? Andyan na sila, malapit na. Wala na nga yatang paraan para makaligtas.
Umiiyak lamang ako ng biglang magliwanag sa buong kwarto. Mali.
Hindi na ito ang kwartong kaninang kinalalagyan ko, bagkus isa itong maganda at malaking kwarto.
Kinapa ko ang sarili ko. Walang bahid ng luha. Maganda din ang aking damit na suot suot.
Ano bang nangyayari? Naguguluhan ako.
Bumangon ako sa kama ng biglang bumukas ang pintuan..
"KYLA! hoy!! Gising!!" napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sigaw na iyon.
"Ay dyos ko naman. Akala ako ay aatakihin ako sa puso dahil sayo. Kanina pa kita ginigising eh."
Panaginip lang pala.
"Ang taas ng lagnat mo." sabi nya. Nananatili lamang akong nakatingin sa kanya habang inaabutan ako ng tubig at isang gamot.
"Wag ka na munang pumasok. Sasabihin ko na lang na hindi mo pa kaya." sabi nya. Tumango lamang ako at tinaggap ang kanyang ibinibigay.
Ito ang unang pagkakataon na may kasama ako ngayong may sakit ako.
"ayos ka lang? Magpahinga ka na. Alas dos pa lang ng madaling araw." inaantok na sabi nya at humiga sa aking tabi.
BINABASA MO ANG
The knight Job
Ficción GeneralHe can save you from being dirty.. But no.. He can't save your heart from being broken.. Marcus Mendoza's story..