"damn! where is she? bakit hindi nyo alam?!"
Napakagat ako sa aking labi. Balot ng tensyon ang buong paligid.
Halos lahat sila ay natataranta. Sino bang hindi? It's their sister that missing.
"Marcus, calm down. They're all doing their best." kalma dito ng kanyang ina.
Mabigat at malalim ang kanyang paghinga and I don't know but it scares me.
Naalarma kaming lahat ng lumabas si Zachary na boyfriend ni Ellise at may kausap ito sa kanyang cellphone.
Mas lalong nadagdagan ang tensyon ng nagmadali syang umalis.
Nagtataka kaming lahat. Basta nya na lamang iniwan ang cellphone kila Marcus at nagmamadaling sumakay sa kanyang sasakyan.
Nakakainggit ang klase ng pag mamahal at pag aalala nya para kay Ellise.
"What the hell is wrong with that? Can you still contact the number?" reaksyon naman ni Drake.
Umiling ang mga pulis.
Ilang mura muli ang nadinig ko sa kanila.
"We need to trust Zach in this one, son."
Wala ng nagawa ang lahat kung di ang maghintay.
Nasa loob kaming dalawa ng kanyang ina.
"Are you ok, hija?" tanong nya sa akin.
Hindi ko alam kung saan pa sya kumukuha ng lakas para maging kalmado. Nakakahanga talaga ang kanyang ina.
"O-opo." nahihiya kong sagot.
Nasa labas sila Marcus at patuloy na naghihintay ng pagkakataon nila.
"I'm so worried. But I can't just breakdown here and cry. I need to trust those men." malamlam ang ngiti nya.
"lola mommy?" napalingon kami sa isang bata. Gulo gulo ang kanyang buhok. May dala dala syang manyika na halos malaki pa sa kanya.
"Oh baby? why are you still awake?" malambing na tanong nito sa cute at matambok na bata.
Umupo ito sa kanyang kandungan.
"Where's tita? And daddy? They left?" inosente nitong tanong. Mabagal at malambing ang bawat salita nito.
Ang mata ng bata ay kaparehas ng kay Zachary.
"No baby. Babalik din sila mamaya. Sleep ka na ulit." nagulat ako ng nasa harap na namin si Marcus at binuhat ang bata.
"Magpahinga na kayo, Mom. Kayo nila kyla." sabi nito.
"I wouldn't be able to sleep. Ikaw hija, you should sleep. Tabihan mo si Sav." sabi nito.
Tatangi sana ako pero hinawakan ni Marcus ang aking kamay patayo.
"c'mon. I know you're tired." sabi nya habang karga karga pa din ang bata.
Hindi ko alam kung bakit pero it fits him.
Nakakatuwa syang makita na ganyan.
.
.
Hinila nya ang kumot at dahan dahang ibinaba ang bata sa kanyang kama.
Nanatili lamang akong nakaupo.
Nagtama ang tingin naming dalawa.
"You should sleep, too. It's late." sabi nya. Umiling ako.
He checked his phone at muling tumingin sa amin.
BINABASA MO ANG
The knight Job
Aktuelle LiteraturHe can save you from being dirty.. But no.. He can't save your heart from being broken.. Marcus Mendoza's story..