20.

330 14 6
                                    

Tinitigan kong maiigi ang aking sarili sa salamin.

Inayos ko ang medyo kulot kong buhok. Nang makontento sa itsura ay lumabas na ako ng banyo.

Muli akong bumalik sa private room kung saan naandoon at naghihintay si Marcus sa mag asawang Rivera. Iyon daw ang ipinunta namin dito.

Mula sa salamin ay natatanaw ko na si Marcus na may kausap na dalawa. Maaaring sila na iyon. Kinakabahan tuloy ako.

Pinihit ko ang seradura ng pintuan, tumayo si Marcus para salubungin ako.

"By the way, uhm. this is..kyla." pakilala nya sa akin na parang nag dadalawang isip pa kung babangitin ba ang pangalan ko o ano. Kinabahan ako lalo.

Nakatitig lamang sila parehas sa akin na parang nakakita ng multo.

Alanganin akong ngumiti sa kanila bago umupo katabi ni Marcus.

"Uhm, so like-

"what is your name again, iha?" tanong ng babae. Mrs. Rivera. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kakaiba ng madinig ko ang boses nya.

Tinitigan ko sya sandali at doon ko lamang napansin ang pagkakahawig naming dalawa. Napalunok ako at umiwas ng tingin sa kanya. Bakit ganon? Bakit parang..Bakit parang ako sya?

"Mahal, kyla daw ang pangalan. I'm sorry about it." hinging paumanhin ng asawa nito.

Nagkaroon ng katahimikan sa aming apat. Walang nagsasalita.

"You looked like me when I was still in your age, it's kinda creepy." malambing na sabi ng ginang. Ngumiti ako dahil doon.

"talaga po?"

Tumango ito at muling ngumiti. Ngiting abot hanggang sa kanyang mga mata.

"Pwede ko bang matanong kung ilang taon ka na?" muli nitong tanong.

"t-twenty two po." magalang kong sagot.

Ang kaninang masaya ay nagbago. Napalitan iyon ng kalungkutan. Hindi ko alam kung bakit pero parang ganun din ang naramdaman ko.

Tumingin ako kay Marcus, nginitian nya ako.

"I-Is she your girlfriend, iho?" sabi ng lalaki at tumingin sa akin.

"Uhm h-hin-

"Yeah, she is. She's my girlfriend." putol ni Marcus sa akin. Dama ko na naman ang pag init ng aking mukha.

Ngumiti sila pareho.

"You look good together." komento nito. Napayuko ako.

Nadinig ko ang mahinang pagtawa ni Marcus.

"Mahiyain lang po talaga sya." sagot ni Marcus. Inirapan ko sya.

"so where's the contract that I need to sign?"

Naging seryoso ni Marcus.

"you'll sign it?" hindi makapaniwalang tanong nya.

Ngumiti ang mag asawa.

"Of course. You're proposal and objectives are good." sabi ng lalaki.

Pagkatapos ng pirmahan ay lumabas na kami sa kwartong iyon.

Dama ko ang kasiyahan ni Marcus at masaya ako para sa kanya.

Matapos ng pirmahan ay pareho pareho silang may mga ngiti sa labi.

"So, pano? Una na kami, hijo at kyla. Madami pa kaming pupuntahang meeting." Paalam nila sa amin.

Matipid akong ngumiti at tumango.

The knight JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon