10. The interview

464 21 13
                                    

Hello :)

****

Hindi pa man ako nakakalayo ng makatanggap ako ng mensahe sa kompanyang inapplyan ko.

Parang gusto kong magtatalon sa tuwa at kaba. Pero hindi ko rin maiwasang magduda. Ang bilis naman? Sigurado ba sila?

Sabagay interview pa lang naman.

Ang gagawin ko ngayon ay mag handa pada doon bukas. Kailangan kong mag research tungkol sa kompanya nila at iyon nga ang aking ginawa.

Dianna DeLeon Mendoza and Marco Mendoza ang lumabas na owner nito. Marami silang hotels and resorts sa buong pilipinas.

Ganung kabig time pala ang pinasukan ko? Hindi ako makapaniwala. Siguro ay sadyang napakayaman nila.

Ni-click ko ang images at lumabas ang kanilang mga litrato.

Napangiti ako ng makita ang magandang babae. Sya na siguro si Dianna, ang asawa ng may ari. Ang mga ngiti kasi nya.. may kamukha. May kahawig. Pero agad kong tinanggal iyon sa aking isipan. Hindi ko na dapat sya inaalala.

Nag hanap pa ako ng iba't ibang impormasyon tungkol sa kanila. Kung anong ibig sabihin ng 'MEDD' at napag alaman kong mga initials iyon ng pangalan ng kanilang mga anak at syempre isa na doon ang kay Ms. Dianna.

Marami pa akong binasa at napag alaman tungkol sa kanila at alam kong sapat na iyon kung saka sakaling magtanong sila sa akin kung ano ang aking alam.

Nang matapos ang oras ko sa pagrent ng PC ay nagdesisyon na akong umuwi. Wala naman na akong alam na pwede pang pag applyan ng trabaho.

Gusto ko din munang matulog at magpahinga dahil ilang gabi na akong halos walang matinong tulog dahil sa mga nangyari.

Hindi naman ako iyong tipo na araw araw umiiyak o ano pa man pero may mga pagkakataong nakikita ko na lamang ang sarili ko na lumuluha at sobrang nalulungkot.

Minsan din ay sobrang sumasakit ang aking ulo na napapadalas na nga ngayon dahil siguro sa kawalan ng tulog.

Minsan ay naiisipan ko na ding magpatingin sa doktor dahil sa problema kong ito kaya lamang ay gastos lang.

Napadaan ako sa isang maliit na simabahan.

Gaano na nga bang katagal na panahon ng hindi ako nakapagsimba? Hindi ko na maalala.

Pumasok ako sa loob kahit na ang totoo ay hindi ko alam kung ano ba ang hihilingin ko. Ano ba ang sasabihin ko.

Ano nga ba? Hindi ko alam. Hindi ko na alam. Sa huli ay pinili ko na lang na lumuhod at magdasal.

****

Sobrang kaba ang aking nararamdaman habang nakaupo at naghihintay sa pagtawag ng aking pangalan para sa interview.

Medyo marami din kaming nandito ngayon at kagaya kong tahimik lang ding naghihintay.

"Kyla Jean Franca." dinig ko sa pangalan ko.

"Kindly follow me." sabi nya kaya tumayo ako para sundin sya.

Nagtataka ako dahil nilampasan namin ang kwarto kung saan pinag gaganapan ng interview at tumigil sa harap ng isang pinto.

Kumatok ang magandang babaeng kasama ko bago ito buksan.

Mas lalo akong kinabahan ng makita ang nakatalikod na lalaking nakaupo sa swivel chair at may kausap sa telepono.

"Goodluck for your interview." nakangiting sabi sa akin ng babae. Ngumiti lang din ako pabalik kahit na sobra ang kaba ko.

Parang gusto ko syang pigilan ng naglakad sya paalis at iwanan ako dito mag isa kasama ng lalaking mag iinterview sa akin.

The knight JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon