16. I love you

371 18 4
                                    

"can you tell me something about you?" malumanay at malambing nyang sabi habang banayad na hinahaplos ang aking buhok.

Nakaunan ang aking ulo sa kanyang matipunong dibdib.

"bakit ba kailangan ko pang sabihin sayo?" balik tanong ko.

Narinig ko kanyang mahinang pagtawa.

"Why? I'm just curious about you, kahit konti lang naman."pamimilit nya.

"Bukod sa pagiging stripper ko noon at bukod sa madalas mo kong husgahan, ano pang gusto mong malaman?" natatawang tanong ko ng maalala kung anong klaseng lalake sya noong una kaming nagkita.

He sighed.

"I'm sorry. I just hate the way you bargain yourself in front of many people, lalong lalo na sa mga lalaki." sagot nito.

Napangiti ako kahit na alam kung hindi naman nya iyon nakikita. Kahit sandali ay nakalimutan ko ang lahat ng mga insecurities ko dahil sa kanya.

"Trabaho ko 'yun. Hanggang dun lang naman yun."

"I know and I'm sorry." ulit nya.

Hindi ako nagsalita.

Iniisip kong mabuti kung tama ba ang ginagawa ko. Tama ba na pagkatiwalaan ko sya. Tama ba na nandito kami sa iisang kama at magkayakap. Tama nga ba? Tama nga bang hayaan ko ang aking sarili na mapalapit sa isang kagaya nya?

"How's your feeling now?" tanong nya.

"Better." sagot ko naman. He made me feel better today.

"That's good to hear." ramdam sa boses nya ang kasiyahan.

"Are you sleepy already?"

Tumango ako.

"Can I ask you one favor?"

Napatingala ako sa kanya ng sabihin nya iyon.

"A-ano?" kinakabahang tanong ko.

"wag mo kong iwasan." sabi nya.

Makakaya ko pa ba nga bang iwasan sya?

"H-hindi ko gagawin yun." sagot ko.

"that's good to hear." sya sabay yakap pa sa akin ng mas mahigpit.

"Ang sarap sa pakiramdam na yakap kita."

Napakagat labi ako.

"Is it ok with you if I turn off the lights?" tanong nya.

Tumango lang ako.

"You won't get scared?"

Umiling ako. Hindi dahil alam kong nasa tabi ko sya.

"goodnight, my angel."

That's the last thing I heard before closing my eyes to sleep.

****

Pupungas pungas akong bumangon sa kama.

Napaayos ako ng upo ng maalalang wala ako sa aking kwarto.

Wala si Marcus sa loob ng malaking kwarto.

Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at makapag ayos ng sarili.

Nang matapos ay agad na akong lumabas para hanapin sya.

"You're drunk, Julien. Umuwi ka na." napakunot ang noo ko ng madinig ko iyon.

Lumapit ako sa pinangagalingan ng boses nila.

At doon ay nakita ko si Marcus na kausap iyong babaeng masama ang ugali.

The knight JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon