"Ma'am ganda, lika na kailangan na kitang ayusan." sabi ng bakla na kanina pa labas masok sa kwartong ito.
Ngayon ang araw ng pagbubukas ng EC. Sa araw din na ito ay may magaganap na malaking selebrasyon.
Nakaharap lang ako sa salamin habang abala sya sa pag aaayos ng aking buhok at mukha.
Ang totoo ay kinakabahan ako. Hindi ako sanay na makihalubilo sa maraming tao. Huminga ako ng malalim. Sandali lang naman akong haharap sa kanila at pagkatapos noon ay tapos na.
Matapos ang halos isa't kalahating oras ay natapos din sya sa pag aayos sa akin.
Pumalakpak ang bakla na animo'y tuwang tuwa sa kinalabasan.
"Bongga ka. Pak na pak." nagtatatalon na sabi nya.
Ngumiti ako sa kanya.
Ang sunod ko namang aasikasuhin ay ang pagsuot ng gown.
"Halika na ma'am, bibihisan—
"what the hell? No." napatingin kami parehas sa pintuan.
"ako na ang bahala dito. thank you for your time." malamig na sabi ni Marcus. Imbes na ma offend ang make up artist ay ngumisi ito sa akin at kumindat.
"sabi ko nga po. Sige una na ko. Bye Ma'am ganda." paalam nya hanggang sa kami na lang ang natira.
"Where's your gown?" seryosong tanong nya. Tinuro ko iyon. Napasimangot sya na ipinagtaka ko.
"Where's the gown that I bought?" tanong nya. Napataas ang kilay ko.
"huh? iyan daw yun sabi ni Sir Lorgan." sabi ko. Napamura sya ng mahina.
"Damn that Lorgan. Sya ba ang nag abot nito sayo?" tanong nya. Tumango ako ng ilang beses.
Napahilamos sya ng mukha.
"That isn't the gown that I bought for you. That's too— Damn. That's too sexy and showy. I'm gonna kill my brother."
Hindi ko alam kung matatawa ba ko o ano sa reaksyon nya.
"ayos lang naman ah. Likod ko lang naman ang makikita." sabi ko. He bit her lower lip.
Pinagmasdan ko syang maiigi na akala mo'y problemadong problemado. Ngayon ko lang napansin ang kanyang suot. Pinigilan kong mapangiti sa ayos nya. Ang gwapo gwapo nya. Lumapit ako sa kanya at inayos ang tie nya na medyo hindi maganda ang pag kaka aayos. Kinakabahan ako pero pinilit kong huwag ipahalata sa kanya.
"I'm sorry, nagmamadali kasi ako. Hindi ko pala masyadong naayos." sabi nya. Tipid akong ngumiti sa kanya. Nanatili lamang syang nakatitig sa akin.
"I don't want to ruin your lipstick, so.. magbihis ka na? You need help with that?" sabi nya.
Umiling ako.
"Hintayin mo na lang ako dito. Sandali lang ako." sabi ko. Tumango sya at umupo sa isang upuan na naandoon.
Ako naman ay kinuha ang susuotin ko at pumasok sa isang maliit na kwarto.
Medyo nahirapan ako sa pagsusuot pero hindi ko sya tinawag para tulungan ako.
Maya maya ay may kumatok sa pinto.
Tapos na akong magbihis pero parang ayaw ko pang lumabas. Shit.
Labas halos ang aking buong likod, hapit na hapit sa aking katawan ang aking suot. Hindi naman ito malaswang tingnan, kung tutuusin ay napakaganda nito.
"Are you alright in there?" tanong nito.
"Uhm. tapos na lalabas na ko." sabi ko at saka binuksan ang pintuan.
BINABASA MO ANG
The knight Job
General FictionHe can save you from being dirty.. But no.. He can't save your heart from being broken.. Marcus Mendoza's story..