Prologue

1.2K 21 2
                                    

Dahan dahan kong isinabay ang katawan ko sa mabagal na musikang nangingibabaw sa lugar na ito.

Dahan dahan na animoy nang aakit.

Rinig na rinig ko ang sigawan ng maraming kalalakihan, kung papaano nila banggitin ang aking pekeng pangalan.

Nag umpisa na kong kabahan ng umpisahan ko ng unti unting hubarin ang saplot sa aking katawan. Pera. Pera. Pera.. Yan lang ang tanging nasa isip ko. Gabi gabi ko na itong ginagawa pero gabi gabi din akong kinakabahan, na para bang isa akong baguhan.

Ilang beses na nga ba nilang nakita ang halos buo kong katawan? Hindi ko na alam.. Ayoko ng maalala pa kung kailan at paano ako nagkaganito.

Nasa kalagitnaan ako ng aking palabas ng mahagip ng mga mata ko ang isang lalaking tahimik na umiinom sa tabi, nakatitig sya sa akin.

Dahan dahan kong iniwas ang tingin ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay mapapaso ako pag ipinagpatuloy ko pa. Ang mga mata nya. Pamilyar. Parang nakita ko na ito noon, hindi ko lang alam kung saan at kailan.

"Kyla, una na kame." paalam sa kin ng isa kong kasamahan. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang paninigarilyo sa labas ng empyernong lugar na iyon.

Kelan ba ako makakaalis sa pesteng lugar na to? Hindi na ako makapaghintay. Hindi na.

Nang matapos sa paninigarilyo ay nagsimula na akong maglakad hanggang sa apartment ko. Medyo malapit lang naman iyon dito. Sanay na rin naman akong maglakad tuwing dis oras ng gabi kaya ayos lang.

Nang marating ko ang maliit at mainit na apartment ay agad akong humiga sa maliit na higaan sa sahig. Nakakapagod.

Sa pagpikit ng mata ko ay unti unti na namang nagbalikan lahat sa isipan ko ang mga pangyayaring ayaw ko ng balikan pa..

Sunod sunod ang luhang pumapatak sa aking pagod na mata, hinihiling na sana ay matapos na ang bangungot na paulit ulit kong naaalala. Sana. Sana.

Paano nga ba ako napunta sa lugar na ito? At papaano ako aalis?Gusto ko ng umalis dito. Pumunta sa malayong malayong lugar. Lugar kung saan ako makakalimot, lugar kung saan ako sasaya at lugar kung saan hinding hindi na ako mag iisa..

The knight JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon