Imbes na ilayo ko ang aking sarili sa kanya ay mas lalo pa akong napalapit.
Dapat ko syang iwasan. Dapat ko syang layuan lalo na't alam kong may kinalaman sya kay Reynard.
Pero hindi ko magawa.. Sya ang nag iisang lalaking nagparamdam sa akin ng pag aalaga. Na para bang takot na takot sya kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa akin. Na parang ayaw nya akong malayo kahit sa paningin lang nya.
"Are you done?" tanong nya. Napalingon ako sa nakakunot nyang noo na para bang inip na inip sya sa paghihintay sa akin.
Kasalukuyan kaming nasa apartment na inuupahan ko para kumuha ng damit. We're going to Palawan tomorrow morning at sabi nya ay mas makabubuting sa bahay na lang nya ako matulog ngayon para hindi na nya kailangang magbyahe para sunduin ako bukas dito. We're going there for some business purpose at kailangan daw nya ako.
"Uhm. T-tapos na. Sorry. Nainip ka ba?"
Umiling sya.
"Nah. I'm okay, so? Ready? pwede na tayong umalis?" tanong nya.
Tumango ako.
Binitbit nya ang gamit ko at naunang lumabas.
Agad naman akong sumunod sa kanya at pinanood ang bawat paggalaw nya.
Nang pinagbuksan nya ako ng pintuan ay dali dali akong sumakay.
"Put you're seatbelt on." utos nya.
Umiling ako. Hindi ako komportable kapag nag s-seatbelt.
"A-ayoko. Malapit lang naman diba?" sagot ko. Alam kong katigasan ng ulo ang ipinapakita ko pero para sa 'kin ay ayos lang naman.
Nadinig ko ang pagbuntong hininga nya.
Nagulat ako ng lumapit sya sa akin at sya mismo ang nagkabit nito.
"I want you to be comfortable, pero mas gusto kong safe ka." sabi nya. Uminit ang aking pisngi sa sinabi nya lalo na ng kantalan nya ng halik ang aking noo. Madalas naman nya iyong gawin sa akin nitong mga nagdaang araw pero parang hindi pa din ako sanay.
Hindi ko maiwasang sulyap sulyapan sya habang nagmamaneho.
Ang swerte ng babaeng mamahalin nya. Ang swerte ni Julien dahil mahal sya ni Marcus.
"May dumi ba ko sa mukha?" tanong nito. Uminit ang pisngi ko pero agad akong umayos.
"w-wala." nauutal kong sagot. Ngumisi lang sya.
"You find me handsome that's why." mahinang sabi nito na nadinig ko naman. Inirapan ko lang sya at tumawa naman sya. Ang sarap pakinggan ng tawa nya.
"Gusto mo bang sa resto na lang tayo kumain? O ipagluluto kita?" tanong nya.
Ngumuso ako. Mas gusto kong ipagluto nya ako.
"I will cook for you if you want me to." sabi pa nya.
Napangiti ako at tumango.
Pinagmasdan ko ang maitim na ulap mula sa sidemirror. Mukhang uulan ng malakas mamayang gabi.
Tumunog ang cellphone nya.
Napalingon ako ng sagutin nya ito.
"Hello, Mom? Tonight? Aryt. I'll coming. Yep. I love you too, mom. Yes I will. Bye." sabi nya.
"Mukhang di kita maipagluluto ngayon, but don't worry, My mom is good cook." sabi nya. Nanlaki ang mga mata ko.
"San tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa bahay ng parents ko. Don't worry they're nice." parang wala lang na sagot nya. Para namang sinilihan ang aking pwet dahil doon. Baka kung anong isipin nila. Nakakahiya!
BINABASA MO ANG
The knight Job
General FictionHe can save you from being dirty.. But no.. He can't save your heart from being broken.. Marcus Mendoza's story..