3. Tears and sadness

550 21 1
                                    

Para akong naestatwa sa klase ng ngisi nya. Takte. Ang gwapo pero wala akong panahon sa ganyan. Bahay muna na matutuluyan bago lovelife.

Nang makalampas sila ay saktong ubos na ang yosi ko kaya kumuha ulit ako ng panibago. Sa panahong to, marlboro lang talaga maaasahan ko. Tsk.

"Stop smoking, will you?" halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita sa tabi ko.

Nilingon ko ang nagsalita at halos pigil ang hininga ko ng makita ko sya. Sya na naman? Nasaan ang mga kasama nya?

Luminga linga ako sa paligid at muli syang tiningnan. Ang gwapo pero ang sungit ng mukha.

Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ko ang aking ginagawa pero nagulat na lang ako bigla nyang agawin sa bibig ko ang sigarilyo at itapon, ang matindi tinapakan pa nya.

"anong problema mo?!" naiinis na sigaw ko dito at tumayo. Anong karapatan nyang pakialaman ang ginagawa ko.

Imbes na sumagot ay pinasadahan nya ako ng tingin, mula ulo hanggang paa.. Pabalik sa dibdib ko. Maliit pala huh? Maumay ka.

"kababae mong tao, daig mo pa ang lalaking humithit ng sigarilyo." seryosong sabi nya at diretso ang tingin sa aking mata. Yung mata nya. Nakakawala sa katinuan kapag matagal mong tinitigan. Nakakalasing.. Nakakatukso.

"don't stare at me like that, I don't want you in my bed." malamig pa sa yelong sabi nya. Ano daw? Aba talaga naman.

"h-hoy, Mister, sino ka ba? At bakit napaka pakia—"

"look at yourself. Is that even a short? You don't have to wear things like that and tell the whole world what kind of girl you are." dagdag nya. Huminga ako ng malalim. Kailangan ko ng pasensya. Pasensya Joan.

"and lastly, the next time that you'll strip around make sure na may maskara yang mukha mo. Don't bargain your face na parang normal lang ang ginagawa mo." sabi nya bago tumalikod at lumakad paalis. Samantalang ako ay hindi makapagsalita. Yung totoo? Na offend ba sya sa ginawa kong paghuhubad kanina?

At saka ang kapal ng make up ko pag nag peperform ako, how come na alam nyang ako iyon? Bakit ang iba naman ay hindi?

"EPAL!" sigaw ko ng medyo malayo na sya. Akala ko ay hindi nya iyon narinig pero nagulat na lang ako ng lumingon sya ulit sa pwesto ko.

Gusto kong magpapadyak at sabunutan ang sarili ko dahil sa inis.

Pabalibag kong kinuha ang mga bag ko at umalis. Bahala na. Sa tabi tabi na lang ako matutulog.
Oo nga Joan, sanay ka naman..

Mabagal akong naglalakad sa kalagitnaan ng daan. Madilim. Nakakatakot pero ayos lang.

Bumalik ako sa park kung saan ako tumambay kanina at kagaya ng inaasahan maraming tao. Taong walang matirhan gaya ko. Maliwanag ang buong parke dahil sa madaming ilaw.

Akala ko bawal dito? Bakit nandito ang mga ito? Pero di ko na inintindi. Humanap na ako ng pwesto.

Kanya kanyang sulok sila nakaupo. Nakahiga.

"nay, nilalamig ako." sabi ng isang bata. May kasama syang isang babae, nanay nya yata at mayroon pang tatlong batang lalake.

Napangiti ako ng yakapin nya ang bata. Nakakainggit.

Iniwas ko ang tingin sa kanila. Nanay. Kamusta na kaya ang nanay ko? Naaalala pa kaya nya ako? Ni minsan ba, ipinagdasal nya na sana maayos lang ako? Palagay ko hindi.

Sumubsob ako sa mga tuhod ko at sinubukang matulog pero palagay ko occupied na naman ang utak ko.

"ponyeta! Anong mabibili ng sengkwenta na yan?!"

"wala ka talagang kwenta! Malas ka!!"

"Hindi kita mahal! at kahit kailan hinding hindi kita mamahalin, naiintindihan mo ko?! kaya pwede ba tama na ang kadramahan mong bata ka at magtinda ka na para may silbi ka naman sa bahay na to hindi yang sakit sa ulo yang dala mo!"

Hindi ko namalayang tumutulo na naman pala ang pesteng luha ko. Ang hirap. Ang hirap hirap kalimutan ng lahat. Pero bakit ganun? Mahal ko pa din sya kahit na sya ang dahilan ng pagkasira ng buhay ko.

MARCUS POV

I just stayed inside my car, quietly watching her. The beautiful stripper at the club. She looks familiar, her angelic face.. It looks familiar. I think I saw her before, I just can't remember where and when. And how..

Kagabi ko pa sya tinitingnan. The way she moves her body, the way she removes her clothes and reveals her body, the way she puts that cigarette on her mouth. I hate it. I fucking hate it. She seems to be so dirty. A very very dirty girl.

Tinignan ko syang maiigi sa malayo. Bakit sya nakatambay sa park sa ganitong oras? Waiting for a customer? Damn.

But I guess, mali ako. I saw her burried her face on her knees and looks like she's trying to get some sleep. Seriously? I looked at her side and found her bags. Don't tell me she's homeless?

Oh c'mon Marcus Dayne it's none of your concern but hell, she can't sleep in place like this. May kapatid din akong babae at iisipin ko pa lang na mangyayari sa kanya to ay parang gusto kong magpakamatay na lang.

Ang susunod na ginawa ko ay bumaba ng sasakyan at pumunta sa direksyon nya. Naglakad ako at tumigil sa harap nya.

Siguro ay naramdaman nya na may lumapit kanya kaya tumingala sya.

Our eyes met and I saw her face again, her angelic face filled with tears and sadness..

+++++

pabitin epek >.<
hahahaha :'D


The knight JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon