~•Alam Mo Ba?•~
Alam mo ba?
Na malapit na ang unang araw kung kailan kita unang nakilala?
Hindi ko alam kung bakit gano'n ang naramdaman ko nung una.
Yung pakiramdam na... komportable agad ako nang makausap kita.Ewan ko ba,
Kahit malayo ka, pakiramdam ko malapit ka.
Yung feeling na, parang kilala na kita kahit hindi pa naman talaga?
At yung feeling na.... napangiti mo na agad ako gamit lamang ang ilang salita.Inaamin ko rin nung una,
Ayokong maging malapit sayo.
Dahil natatakot ako,
Na baka katulad ka lang ng iba.Pero hindi ko rin maintindihan,
Sa bawat araw na dumadaan.
Napansin ko na lamang ang isang dahilan,
Na kahit pilit kong itago ay hindi ko na matatakasan.Gusto kita, ano man ang sabihin ng iba.
Okay lang din kung hindi ka rin maniniwala.
Ngumiti ka lang eh, okay na.
Basta hiling ko lang ay hindi ka mawawala.
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoetryThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy