•~
Hindi sapat ang mga pangungusap na aking ibinubuo,
upang iparamdam sayo kung gaano ako kasayang mayroong ikaw sa buhay ko.
Hindi man ako ganon kagaling sa mga salita,
ngunit hindi ko na kailangang manipulahin ang
lahat ng iyon upang ikaw lamang sa akin ay maniwala.Sapat nang mapatunayan sayong ikaw lang ang nag-iisa,
Hindi na kailangang magtugma ng mga salita,
para lamang makabuo ng mga tulang nakakamangha.
Kaysa tugma nga naman ito ngunit hindi naman kayang maipaliwanag ang mga dahilan kung paanong...
ang tulad kong isang makata
ay patuloy na nahuhulog habang pinagmamasdan
ang kagandahan
ng nagniningning mong mga matang
hindi nakakasawang titigan.CM || Lelang
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoetryThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy