Sa pagpikit mo sana ng iyong mga mata'y ngiti ang maiguguhit kong larawan sa iyong labi,
Mag-aalay ng isang magaang haplos sa puso mong nanlalamig habang tanaw ang papalubog na araw sa silangan.Ano kaya ang naiisip mo habang nasa ilalim ng talukap ang iyong mga matang tanging dilim lamang ang nakikita?
Ramdam mo ba ang sikat ng araw habang unti-unting bumibitaw ang init nitong nakayapos sayo?Hindi mo kailangang sumuko at bumitaw dahil lang sa naunang gawin ito sayo, kagaya ng sikat ng araw na nagbabadya ng pagpapaalam, 'may bukas pa', para sa panibagong araw.
Hayaan mong maging mahina ka sa harap ng magagandang tanawing gawa Niya. Hindi mo kailangang pagsisihan ang mga bagay na naging dahilan na minsan ka ring sumaya.Natutukoy mo ba kung ano ang aking ipininta?
'Nakangiting binaybay ng kalapati ang daan patungo sa papalubog na araw, kasabay ng hanging sinasayaw ito upang masigurong wala nang sino man ang maglalakas-loob na muli itong ibalik sa madilim niyang hawla.'
....Hiraya Manawari
— Destinasyon, vol. 1
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoetryThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy