•~
Nakakapanghina,
Gusto kong maniwala
Tanggapin at unawain,
Pakaisipin, intindihin at lalo pang palawakin
Ang aking isipan sa iyong pagkawala.
Ngunit kahit anong libang, limot
kawalan ng pakialam ang aking gagawin,
Iyong ngalan parin ang lagi kong binibitbit,
Dala-dala san man ako magpunta,
Hanap-hanap saang lugar man dumapo ang aking mga mata.
Yakap-yakap, minimithi, hinihiling na sana ay panaginip na lang ang lahat.
Sapagkat kahit ilang paraan pa ang aking paplanuhin,
Ubusin man ang alpabeto ng pagpaplanong
Ikaw ay kalimutin,
Nagmumukha lang akong tanga.
Sapagkat hanggang ngayon ay ikaw parin ang tinitibok nitong aking puso, sinta.CM || Lelang
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoésieThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy