•~
Matagal na akong mulat sa katotohanan,
Na magkaiba ang yaman sa kahirapan.
Ito rin ang dahilan,
Kung bakit nawala ang taong
labis kong pinahahalagahan.Marami kang magagawa kung ikaw ay mapera,
Marami kang makukuha kung may laman ang iyong bulsa.
Lahat ng pangarap ay kaya mong matamo,
Isang pitik lamang, lahat masusubukan mo.Paano naman iyong mga dukha?
Subukan mang lagpasan ang kahirapa'y
mababa parin sa paningin ng iba.
Walang nakakapansin sa kanilang mga luha,
Maging matatag ma'y inaapak-apakan parin
ang pagkatao nila.Ano na lamang ang mangyayari sa mundong ito?
Kung maging ang ilang mga mayayaman, sa halip na
makatulong ay mas lalo pang bumibilog ang mga ulo?
Walang nakakarinig ng mga sigaw ng hustisya,
Aasa na lang ba tayo sa mga salita nilang
puro paasa?CM || Lelang

YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoetryThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy