PAGTATAKSIL
(Modern-12 pantig)Ilang buwan at taon ang nakalipas,
Sa aki'y malinaw pa at di kumupas.
Mga masayang panahon ay lumipas,
Di ko akalaing lahat magwawakas.Mga oras at panahong sinayang ko,
Kapiling ka akala ko ayos ako.
Ngunit di ko akalaing ako'y bigo,
Nagtiwala sa pekeng pagmamahal mo.Akala ko ikakasaya ko lahat,
Akala ko di na matatapos lahat.
Akala ko tatagal ang lahat-lahat,
Akala ko kaya mong tuparin lahat.Ngunit lahat ng iyon ay akala ko,
Inakalang lahat ay magagawa mo.
Inakalang lahat ay tutuparin mo,
Ngunit lahat ng pangako mo'y napako.Ngunit kahit ganon ay salamat sayo,
Salamat sa lahat ng pekeng bigay mo.
Salamat sa ginawang pagtataksil mo,
Sapagkat ngayon ay masaya na ako._________
© ItsmeesnoopyyA/N:
Project lang talaga na'min 'to sa Filipino subject na'min nung Grade 10 ako, eh. 🤣
Poem rin naman kasi siya kaya nilagay ko na. 🥴
Ps: Di po ako broken nung mga time na yan. Sadyang mabilis lang mag-function ang mga juices ko kapag about sa mga ganyan ang genre ng poem. 😩
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoetryThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy