Panaginip Ba?

12 2 0
                                    

~•Panaginip Ba?•~

Panaginip lang ba nung ikay makilala,
Dito sa pekeng mundo kung saan kita unang nakasalamuha.
Panaginip lang ba nung mapagtanto ko,
Makausap ka lamang ako'y nabablanko.

Pangarap lang ba na iyong mapansin,
Kahit na alam kong mahirap kang maging akin.
Para lang akong sumusungkit sa malayong bituin,
Kaya ko rin kayang sungkitin ang iyong damdamin?

Panaginip lamang ba ang lahat ng ito,
Di ko kayang umamin, natatakot ring mabisto.
Nais ko lamang na maging kaibigan mo,
Nararamdaman sayo'y tuluyan na lang na itatago.


DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo Where stories live. Discover now