Disclaimer: A literary poem made by yours truly, in collaboration with my co-member (she is our cartoonist) in The Clarion. Visit us here: https://www.facebook.com/TheClarionOfficial
BAGAHE
Alam kong pagod ka na,
Nakikita ko ang lungkot na
nakatago sa likod ng iyong mga mata.
Batid ko ang mga salitang nakakumpol sa bibig mong nais kumawala.
Pawang naghahanap ng mga taingang makikinig,
At magtatala ng mga katagang nais mong ipahiwatig.Bilang ko sa mabibigat na mga hakbang mo kung ilang beses mo nang gustong lumaya,
Katulad ng isang normal na bata, nais mo ring magkaroon ng isip na payapa.
Na walang ibang nasa isip kundi ang masayang maligo sa ulan, magtampisaw sa putikan, maglaro ng tagu-taguan at manghuli ng mga paruparo sa gitna ng inyong damuhan.
Ngunit, tila yata isang kulog at kidlat ang bumuhos sa munti mong katawan.
Na sa halip na putikan ay pawang mga luha mo ang iyong inaapakan,
Hindi na puno ang iyong pinagtataguan
kundi'y takot na baka sayo tumama ang dalang pamalong kawayan ng iyong ama-amahan.
At 'kalayaan' ang salitang nais mong makamit habang hinahabol ka ng kapighatian.Ramdam ko ang labis na pagdurugo ng iyong puso,
Makailang beses mo na nga bang sinabing gusto mo nang sumuko?
Ilang ulit na nga bang niyakap ng iyong leeg ang lubid sa iyong silid,
Habang ang butihin mong ina'y nariyan lang sa gilid at sayo'y nakamasid.
Minsan mo ring hiniling sa akin,
Nais mo na lamang tumakas at tahanan ninyo'y lisanin,
Natatandaan kong may nais kang hanapin,
Ang lugar na akala ko'y imahinasyon mo lamang kaya hindi ko pinansin.Ngayon ay nakapako parin ako sa aking kinatatayuan,
Tahimik kang pinagmamasdan,
Bitbit ang mga ala-ala mong sa aki'y iniwan.
Inilibot ko ang mga mata
sa hardin na para sayo'y isang pag-asa.
Ito na ba ang lugar na kung saan ay panatag ang iyong kalooban?
Ang lugar kung saan, kapayapaan na ang iyong kanlungan.
Isang lugar na kung saa'y magpapagaan ng iyong pakiramdam.
Ito pala ang nais mo, paano pa kita ngayon mapipigilan?Wala ka nang kulog at kidlat na mararanasan,
pawang tunog na lamang ng kasiyahan.
Wala nang tagu-taguan, sapagkat nahanap mo na ang iyong kalayaan.
Gumaan na rin ang dating mabibigat mong hakbang,
sapagkat maingat mo na itong inaalalayan.
At dito'y hindi mo na kailangan pang manlimos para makamit ang iyong kasaganahan."It's a tragic situation when no help is available when it's desperately needed, and later, people say that support should have been solicited."
ps: Anyone who is struggling with something, always remember that there is always someone you can talk to that is willing to listen.
#WorldSuicidePreventionMonth
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoesíaThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy