Kalayaan - Acrostic

33 1 0
                                    

KALAYAAN

K—usang ipinikit ang mga mata, iniinda ang sakit na nadarama.
A—ko'y isang hamak lamang na alipin, kaya sinong magtatangkang ako'y sagipin?
L—agi na lamang ganito ang mga nangyayari. Kasalanang hindi ko naman ginawa ay ako palagi ang nasisisi.
A—nong magagawa? Wala. Ni hindi pinapakinggan kahit ako'y magmakaawa.
Y—aring dala-dala'y walang mapagdadamayan. Sino ba naman kasi ako? Isang hamak lamang na alipin.
A—lipin. Isang aliping tanging hinihiling lamang ay makalaya, makalaya sa mga taong mapagsamantala. Na walang magawa sa buhay kundi ang tingnan akong ni hindi na makatayo gamit ang sariling mga paa.
A—no ang gagawin? Manalangin? Siya ba'y makikinig sa akin? Ako ba'y hindi niya hahamakin?
N—arito lamang ako't nakaluhod, nangangarap, pinipigilan ang mga luhang nagbabadya sa aking mga mata. Maduming hangin dulot ng maruruming tao ang aking nalalanghap. Sa sulok ng kulungan kung saan natatamaan ng kaunting sinag ng araw ang aking kanang mata, ako'y napatanong sa sarili. Kalayaan... kailan kaya kita malalasap?

CM || Lelang

DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo Where stories live. Discover now