~•Tula Ng Pasasalamat•~
Pinilit kong kalimutan ka, pero hindi ko pala talaga kaya.
Sinubukan kong alisin ka sa aking isipan, ngunit nagmumukha lang akong tanga.Lokohin man itong aking nadarama,
Batid ko, sayo parin talaga ako umaasa.
Ilang kasinungalingan man ang sayo'y ibinabanta,
Ramdam mo parin kung gaano ka sakin kahalaga.Ano nga ba ang meron sakin at hindi mo ako kayang bitawan?
Sa kabila ng lahat ng sakit, ako parin ay iyong ipinaglalaban.
Ilang katangahan man ang aking nagawa,
Nariyan ka parin at sa aki'y nagtitiwala.
Pilitin mang layuan ka, puso ko'y sayo parin nangungulila.Kaya ngayon ay humahanga ako sayo,
Na sana sa pamamagitan ng tulang ito ay maramdaman mo.
Na kahit ilang pagsubok man ang dumating sa buhay ko,
Asahan mo, mahal, pagmamahal ko sayo'y di magbabago.
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoetryThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy