TANIM

10 1 0
                                    

•~

Matagal nang nakatanim
ang pusong 'to sa hardin mo.
Ilang beses mang makatikim
ng samu't saring nakalalasong
mga pestisidyong
nanunuot at kumikitil
sa kalusugang nanggagaling
sa sarili mong lupang ikaw ang may gawa...

Hindi parin ito sumusuko.

Kahit na matanggal at sa labas ay natutuyo na ang mga pananim ay may ugat parin.
Patuloy itong kakapit hangga't may makakapitan.
Patuloy itong mabubuhay, hangga't iyong inaalagaan.
Patuloy lang ito sa pagyabong,
At tanging ikaw lamang ang makapagde-desisyon,
Kung ito ba'y iingatan...
o iyong papabayaan na lamang.

CM || Lelang

DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo Where stories live. Discover now