•~
Sa mundo ng mga kasanayan at galing,
Kung saan matatagpuan ang aking pagiging malikhain.
Nais ko ring maging daanan ng pagtupad,
Ng mga pangarap ng mga tulad kong batang iyon lamang ang tanging hangad.Sa mundo ng mga matatalino't manggagawa,
Kung saan makikita ang mga magagandang disenyong ako ang may likha.
Nais ko ring maging pundasyon ng tagumpay,
Sila'y pagsisilbihan ko at tutulungan, iyon ang aking sa kanila'y alay.Sa mundong puno ng pagbabago,
Kung saan hindi permanente ang tumatakbo sa isip ng bawat tao.
Nais ko ring maging dahilan ng pag-asa,
Ng mga batang katulad kong tanging gusto lamang sila'y mapasaya.Nais kong tuparin ang mumunting pag-asa sa kanilang mga mata,
Nais kong baguhin ang mga imposibleng binubulong nila.
Nais kong maging alalay at katulong sa pagbuo ng mga pangakong inumpisahan nila,
Nais kong maging isa sa kanila — isa sa mga inhinyerong dinadakila.CM || Lelang
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoetryThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy