•~
Ikaw ang nobelang ayokong wakasan,
Ikaw ang kantang paulit-ulit kong papakinggan.
Ikaw ang istoryang ayoko munang basahin,
Ikaw ang tulang ayoko pang tapusin.Sapagkat katumbas ng nobelang magwawakas,
Ay isa na namang kwento at tauhan ang aking ilalabas.
Kanta ma'y paulit-ulit,
ay hindi ako magsasawa.
Istoryang kahit nais ko pang basahin, sa ngayon ay hindi ko pa magagawa.Dahil natatakot ako, na sa oras na matapos ang tulang aking ilalathala para sayo...
Ay matatapos din at lilipas ang oras sa ating dalawa.Kaya mas pipiliin kong hawakan ang iyong kamay, habang nakatingin sa papalubog na araw.
Nais ko pang masilayan ang iyong ngiti, mahal.
Sana'y 'wag kang bibitaw.CM || Lelang
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoetryThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy