Di Ko Alam

16 2 0
                                    

~•Di Ko Alam•~

Sabi ko noon ayoko ng babaero,
Hindi ko kailangan ng lalaking pabago bago.
Tanging gusto ko lamang ay magbasa ng libro,
Wala akong pake, kumanta kahit sintunado.

Ngunit nakita kita sa may kanto,
Mga mata'y napatitig sayo.
Ako'y natulala, napahinto,
Librong dala dala, tuluyang nabitawan ko.

Di ko alam kung ano'ng ginawa mo, bakit ako nagkakaganto.
Di ko alam kung ano'ng ginawa mo, kung bakit nahulog ako sayo.

Sabi ko noon ayoko sa imposible,
Hindi ko kailangan ng lalaking iresponsable.
Tanging gusto ko lamang ay iyong simple,
Na walang pake, di man ako mabigyan ng tseke.

Ngunit nakita kita sa may kanto,
Mga mata'y naakit sayo.
Ako'y natulala, napahinto,
Pusong dala dala, tuluyang napaibig sayo.

Di ko alam kung ano'ng ginawa mo, bakit ako nagkakaganto,
Di ko alam kung ano'ng ginawa mo, kung bakit nahulog ako sayo.

~

Itsmeesnoopyy

DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo Where stories live. Discover now