PAGDATING NG PANAHON
Naaalala ko pa non, nung unang beses kitang nakita,
Nahuli pa akong pumasok noon sa eskwela, napahinto at sayo'y natulala.
Makikinang mong mga matang kumikislap kapag natatamaan ng sikat ng araw,
Ay hindi maalis sa aking isipan, at sa bawat araw ay ikaw ang tinatanaw.Mga ngiti mong kay tamis na bihira ko lamang makita,
Sinasabayan pa ng iyong biloy na talaga namang nakakamangha.
Mga mata mong singkit, na para bang ako'y inaakit,
Ngunit patawad aking giliw, sapagkat sayo'y hindi pa ako makalapit.Hindi ka sikat, ni hindi rin ganoon kakilala,
Ngunit sa lahat ng lalaki, sayo lang dumapo ang aking mga mata.
Hindi rin sinasadyang nabihag mo ako bigla,
Walang rason, walang halong bola, hanggang sa ikaw ay naging pangarap ko na.Hindi matigil ang aking isip sa paghaharaya,
Mga imaheng tayong dalawa lang ang magkasama.
Kung saan walang pagitan ang hahadlang sa ating dalawa,
At doon ay siguradong ako lang ang gusto mo, sinta.Sana sa pagdating ng panahon ay magawa ko ring umamin,
Sa pagdating ng araw na iyon, ikaw sana ay mapasa-akin.
O kahit man lang ako'y iyong mapansin,
At damdamin ko sana'y huwag pawiin ng hangin.
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoesíaThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy