•~
Makukuntento na lamang na palihim kang gustuhin,
Itong nararamdaman sayo'y susubukang kimkimin.
Sapagkat tulad mo'y isang talang di ko pagsasawaang tanawin,
Labis kong hinahangaan, hindi ko man kayang abutin.Hindi naman masamang makuntento sa mga bagay na ibinigay sa'tin,
Subalit, datapuwat, bagamat pikit mata mang hindi pansinin,
Ilang libong kilometro mang lumayo at magtago sa dilim,
Dulot lamang nito sa'kin ay mapanakit na patalim.Kaya't subukan nang itigil ang laro,
Ilang libong numero ng kailangan kong bilangin upang matigil na sa pagtatago?
Linawin ang nararamdaman upang masubukan kong ihinto,
Ang mga paa na ang yapak ay sa'yo parin patungo...Ngunit ano pa ba ang aking magagawa?
Tila ang bawat oras sa atin ay hindi tugma?
Mga pagkakataong pilit na di tayo pagtagpuin ay sinasadya,
Marahil tayo'y pinaglalaruan ng tadhana.Gusto ko mang lumabas sa madilim na hawlang patuloy akong kinukulong,
Naririnig ko man ang pagbilang mo kahit pabulong,
Ninanais ko ring makita at sabayan kang humakbang,
Ngunit tila may isang pader na sa atin ay humahadlang.— LELANG
Ps: It was an opportunity to make a collab with you, kiddo. Hoping more collabs to come~ Take care always and see you till then. Have a safe trip! UrLazypen
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoetryThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy