~MALING AKALA~
✍️ sweetiepumpkin07Di ko alam kung seryoso ka.
Di ko alam kung mahal mo ba akong talaga.
Kasi sa oras na kachat kita,
Napakaikling reply lang ang iyong pinapakita.
Di ko alam kung totoo ba.
Totoo ba ang nararamdaman mo o laro lang talaga.
Kase sa tuwing nagrerequest ako,
Lagi na lang tanggi ang sinasagot mo.
Ano ba talaga?
Sinasabihan mo nga akong mahal kita pero di ko naman dama.
Pinapakita mong concern ka pero parang napipilitan ka lang talaga.
Miss mo nga ako pero may "haha" pa talaga sa una.
At kapag tatawag ako,di mo sinasagot at papatayin mo pa.
Sabi mo busy ka...
Di ka pwedeng tawagan tuwing nasa bahay ka,
Di ka pwede kung saan ko gustong pumunta.
Dahil gusto mo lang sa lugar kung saan pwede ka.
Naiintindihan naman kita.
Pinipilit kong intindihin ka,
Pinipilit ko kahit masakit na.
Pero kahit ganon...ba't di ko kaya?
Nasasaktan pa rin ako kapag pinipilit ko pa.
Kaya nga,ngayon alam mo ba?
Malapit na,
Malapit na ang araw na sinagot kita.
Di ko nga lang alam kung itutuloy ko pa.
Dahil dama ko na parang wala lang talaga,
Wala lang talaga ako para sayo.
Wala lang talaga ako sa puso mo.
Gusto kitang makasama,
Sa tawanan, kulitan at problema
Mahawakan ang iyong kamay,
At di ko hahayaang magkahiwalay.
Ngunit mangyayari pa ba lahat ng iyan?
Na kahit nga sa panaginip ay malabo kang masilayan?
Parang kailan lang...
Parang kailan lang nung ika'y nanligaw pa lamang.
Parang kailan lang nung nagkakilala tayo't naging magkaibigan,
Parang kailan lang nung palagi tayong nagkukulitan at nahulog ako ng tuluyan.
Pero bakit parang ngayon ay nagbago?
Biglang nagbago ang iyong pakikitungo,
Di ko alam kung busy ka pa o ano nang nangyari sayo.
Pero sinasabi ko na lang sa aking sarili,
Hayaan mo na nga muna dahil baka busy.
O may mga mahahalagang bagay na iniintindi.
At antayin mong magpaliwanag siya't humingi ng sorry.
Pero bakit ganoon?
Bakit ganon katindi ang nararamdaman ko ngayon?
Ako'y nalilito,
Nalilito ako't di malaman kung anong dapat gagawin dito.
Inaamin ko na,
Mahal na nga kita.
Napamahal ka na sakin ng sobra.
Pero ganon ka din ba?
Oo "I love you" sagot mo pero yan ba nasa puso mo?
Oo "miss kita" sabi mo pero yan ba ang nararamdaman mo?
Bakit ba laging ganito?
Ni hindi ako sigurado sa bawat salitang lumalabas sa bibig mo.
Ni hindi ako sigurado sa mga pinaparamdam mo.
At mas lalong di ako sigurado kung mahal mo ba talaga ako.
Alam mo sana...
Sana mapatunayan mo na ako'y mahalaga.
Sana mapatunayan mong mahal mo akong talaga.
At higit sa lahat...sana mapatunayan mo,
Mapatunayan mo sana na mali ang akala ko sayo.
Dahil di ko alam kung anong gagawin ko,
Kapag nalaman kong niloloko mo lang pala ako.========
Moral Lesson: Just do what you wanted to do with your life. You're free to do whatever you like (pero wag naman yung sobra). Sa buhay na'tin, hindi talaga na'tin maiiwasan ang manghinala, nakasanayan na'rin kasi. Pero dapat, hindi sa lahat ng bagay ay may pagdududa or trust issues tayo sa isang tao. If you really wanted to be with each other, allow them to know you more...and those people who will see your worst but didn't bother to leave you, sila yung tunay na mga taong nagmamahal talaga sa inyo. (kaya wag mo na silang pakawalan) 😌
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PuisiThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy