•~
Kagaya ng mga salitang mabilis pawiin ng hangin,
Ganon din sana kadaling burahin,
ang imahe mong laging bukambibig nitong puso kong hangal na ayaw kang limutin.
Kagaya ng mga pinakong pangakong hindi napanagutan,
Hinayaan mo lamang itong kalawangin at apak-apakan.
Ganon lang din sana kadaling ibasura lahat ng kasinungalingan,
At hayaan na lang itong mabulok sa kalupaan.Kagaya ng mainit na kape, wala pala talagang permanente,
dahil sa huli...
nagiging malamig parin ito at nagbabago,
kapag hindi mo nilasap agad habang mainit pang nakahain sayo.Ganon lang sana kadaling ibaon sa limot ang lahat,
Ganon lang din sana kadaling magpanggap.CM || Lelang
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoetryThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy