~•Ang Ekonomiko•~
Ano nga ba ang ekonomiko?
Bakit tila yata mahalaga itong pag-aralan ng kahit sino?
At nais ring matutunan ng bawat tao?Ito raw ay isang sangay ng agham panlipunan,
Kung saan pinag-aaralan,
Kung paano tutugunan ang walang katapusang pangangailangan,
At kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.Ito ay nagmula,
Sa salitang griyego na oikonomia,
Kung saan ito rin ay binubuo, binubuo ng dalawang salita,
Ang oikos na nangangahulugang bahay, at nomos bilang pamamahala.Tungkol naman sa pagpipilian, mayroon tayo dyan.
Tatlong kaalaman sa konsepto,
Iba't ibang kahulugan, tiyak pasok agad sa utak mo.Nangunguna ang trade-off, o pagsasakripisyo
Pagpipili halimbawa kung siya ba o ako?
Mag-ingat nga lang sa pagpili, baka ikaw ay mabisto.Pangalawa ang opportunity cost o halaga ng bagay,
Kung alin ang mahalaga, pag-aaral o pag-ibig niyang alay,
Mag-ingat at magkaron ng matalinong desisyon,
Kung ayaw mo, wag kang mag-ilusyon.Pumapangatlo ay ang incentives o ang pagbabago ng desisyon,
Isang bagay na nag-uudyok upang maisagawa ang isang aksyon,
Kung gusto mong magkaroon ng karagdagang tuition,
Mas piliin mong mag-aral, at kamtin ang iyong pasyon.Panghuli ay ang marginal thinking o ang proseso ng pag-aanalisa,
Kung paanong ang isang desisyon ay mas makapagbibigay ng pinaka,
Pinakamalaking potensyal na balik kaysa gastos, di ba ang saya.Silang lahat ay makatutulong sa pagdedesisyon,
Upang maging rasyonal ang bawat pagbuo ng desisyon.
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoetryThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy