•~
Nakatago parin ang berdeng pulseras,
Sa aking maliit na kabineteng kulay rosas.
Mga ala-alang nabuo roon ay hindi pa kumukupas,
Hindi kagaya ng dalawang pusong nagmahalan noon, na kaagad ding nagwakas.Sa tuwing binabalik-balikan ko ang nakaraan,
Nakukuntento na lamang sa kahapong nagdaan.
Na tila ba kailan lang,
Ang bilis lumipas ng araw.Tayong dalawa ay pinagtagpo,
Sa maling sitwasyon, panahon
at pagkakataon.
Tayo ay pinagtagpo ngunit sa maling oras at maling tao,
Na kahit subukan man nating dalawa,
Tutol parin sa atin ang tadhana.Kaya ngayo'y yakap-yakap ko pa'rin ito,
Ang minsang naging simbolo ng nararamdaman ko.
Na kahit pilit ko mang kalimutan at akin na lamang itatago,
Masakit pa'rin kapag naaalala kong . . . minsan din itong napunta sa iyo.CM || Lelang
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoetryThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy