MAGKABILANG MUNDO

13 1 0
                                    

~•MAGKABILANG MUNDO•~

Aking sisimulan itong ating kwento,
Sa unang araw kung saan tayo'y ipinagtagpo.
Ako noon ay isang hamak lamang na tagapayo,
At ang isang taong unang nakapansin sa iyo.

Hindi ito pagkikita kung saan malapit tayo sa isa't isa,
Kundi sa magkabilang mundo kung saan andito ako, at nariyan ka.
Dalawang pusong ipinagtagpo, subalit hindi alintana ang kahihinatnan,
Handang sumugal, kahit pa masaktan.

Nagsimula ang lahat ng ito,
Nang mapukaw ng paningin ko ang nobelang isinusulat mo.
Agad kitang pinadalhan ng mensahe,
Buwan ito ng Hunyo nang mangyari.

Ako'y napahanga mo sa iyong simpleng prologo,
Di nag-atubili, itinama kung ano man ang napansin ko.
Bilang tagapayo, nasayangan ako,
Na kung hindi ko ito sasabihin sayo, mawawala ng kusa ang pinaghirapan mo.

Matapos no'n ay palihim kitang sinuportahan,
Di nga lang nagtagal sapagkat marami akong pinagkakaabalahan.
Hindi pa kita noon lubusang kilala,
Kaya habang lumilipas ang panahon, tuluyan kitang hindi naalala.

Hanggang sa dumating ang puntong muling nagkrus ang ating landas,
Sa parehong panahong tayong dalawa'y may masakit na dinaranas.
Napansin kong naroon pa'rin pala ang dati nating pinag-usapan,
Ngunit di ko iyon napansin noong una at palihim ka pang inirapan.

Nagpakilala ka pa nga ng iyong ngalan,
Ngunit ikaw ay akin lamang tinarayan.
Ngunit kahit gano'n ay hindi mo ako pinabayaan,
Sa halip ay nagbahagi ka bigla ng iyong pinagdaraanan.

Sa una ay naging matigas ako,
Hindi ko pa kasi kayang magtiwalang muli sa ibang tao.
Ngunit kahit na pigilan ko,
Nagawa ko ring magbahagi sayo ng kwento.

Hanggang sa lagi na kitang nakakausap,
Napapangiti mo ako't laging hinahanap-hanap.
Di napapansin ang pagbabagong nangyayari sa sarili,
Nagsimula lang ang lahat nang sa iyo ay mawili.

Magmula noon ay lagi nang nakangiti,
Ang aking hikbi noon ay tuluyan na ngang iyong napawi.
Gagawa pa ng paraan upang makausap ka lang sa bawat sandali,
Selos na aking nararamdaman ay pilit na ring ikinukubli.

Inaamin kong natatakot ako, ayoko ring magmadali,
Aalamin ang lahat sayo, at kikilalanin ka ng unti-unti.
Ngunit iba nga rin talaga ang nagagawa ng selos, noong siya pa ang iyong tinatangi,
Kumukunot pa ang noo, kapag siya ang paksa natin palagi.

Dumating ang araw nang mapansin ko na,
Tila mayroong kakaiba sa 'yong bawat talata.
Hanggang sa akin na ngang napuna,
Hindi pa noon makapaniwalang, ako ay iniibig mo na.

Akala ko pa nga noon ay biro lang ang lahat,
Hindi pa lubusang bukas ang aking puso sa pagtanggap.
Iyong mga tula at liriko'y iyo pa saki'y isiniwalat,
Binibiro ka pang ikaw ay akin nang pangarap.

Sa takot na ikaw ay mawala, kaya umamin na rin ako
Hinihiling na sana'y maging bukas ang iyong puso.
Di mapakali, ako pa ay napapakagat-labi,
Marinig lamang ang tawa mo, sa kabilang bahagi.

Sa 'yo ko naranasang maging kontento, maging masaya sa kung anong meron ako,
Ikaw ang nagpadama sa'kin ng wagas na pagmamahal, na walang ibang makakagawa kundi ang isang tulad mo.
Kahit nasa malayo, nananatili paring tapat ang pag-ibig mo,
Asahan mo, aking sinta, nararamdaman ko ay hindi magbabago.

Kaya kahit na tayo ay nasa magkabilang mundo,
Gagawin ko ang lahat,
Kahit na magkalayo ang ating agwat.
Ang hiling kong maging malapit sayo at makasama ka sa iisang mundo,
Malayo ka man mahal ko, pangakong sayong-sayo lang ako.


itsmeesnoopyy~
cttro to the photo (from google)

DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo Where stories live. Discover now