•~
Mabilis na tumila ang ulan,
Kasabay ng aking muling pagtitig sa daan
ay doon kita muling nasilayan.
Napatakan ng ilang butil ng tubig ulan ang 'yong mukha,
Kakatuwa, hindi ka nakangiti ngayon.
Pawang nababalutan parin ng nandidilim na mga kulog ang dibdib mong mayroong mabibigat na bagaheng dala-dala.
Natatakot kang humakbang,
sapagkat marami paring bumabagabag sa isipan mo't tila sayo'y humaharang.
Subukan mang guhitan ang labi ng isang ngiti,
sa huli ito'y nagpapakawala parin ng isang tahimik na mga hikbi.Kaya ikaw ay pumikit, dinama ang malamig na hanging humaplos sa iyong pisngi,
tahimik na pinakinggan ang tibok ng iyong puso
at ang tunog ng isang papalapit na delubyo.
Kaagad mong iminulat ang 'yong mga mata,
Ang kislap ng liwanag nito'y wala nang daang makikita.
Ito'y malaya mong niyapos nang wala nang bakas ng pag-aalinlangan pa...
Hanggang sa naramdaman mo na lamang ang 'yong sariling nakahiga,
Nakangiti, habang pinagmamasdan ang nandidilim na mga tala.CM || Lelang
Ps: this is way back December pa, unedited parin nakalkal lang
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PoesíaThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy