~•Sana'y Mapansin•~
Nagsimula ang lahat ng ito, na para bang isang kwento
Kapag nakikita ay napaparahuyo, nababaliw ako.
Pagmasdan lamang mga kilos mo, natutulala lang sayo
Tuwing naririnig mga tinig mo, tuluyan nang nahulog ang pusoMinamasdan lamang ang iyong mga galaw
Kahit sa malayo ikaw ay abot tanaw
Hindi mapakali, ano aking gagawin
Sana ay tumingin din, at ako'y mapansin.
(Sana ay lumingon din, at nang mapansin)Inaamin kong ako'y tuliro, di alam kung anong sasabihin
Kapag kasama ka'y habol ang kaba ko, nauutal na rin
Ano nga ba talaga ang ginawa mo, di na mapigilan 'to
Sa t'wing ikay laging nakakasama, lalo lang akong naaakit sayo.
YOU ARE READING
DAYO: Sa Lalim Ng Aking Pagsuyo
PuisiThis is a Compilations of my poems. Hope you'll love this! 𝒶 𝓅ℴℯ𝓉ℯ𝓈𝓈 𝓌𝒽ℴ'𝓈 𝒻ℴ𝓃𝒹 ℴ𝒻 𝒸ℴℊ𝒾𝓉𝒶𝓉𝒾𝓃ℊ 𝓉𝒽𝓎 ℊ𝒶𝓁𝓁𝓊𝓅𝓉𝒾ℴ𝓊𝓈 ℊ𝒾𝓈𝓉𝓈 ~•itsmeesnoopyy