Chapter 1

835 48 62
                                    

It was the month of February. Valentine's day to be exact.

Umaga pa lang ay mataas na ang sikat ng araw. Bawat isa ay tila ba nananabik sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa araw na ito.

Napahugot ako ng malalim na hininga at hinaplos ang mahabang buhok, saka tipid na napangiti. Nakakatuwa talaga, naaliw ako sa maaliwalas na ngiti ng mga kamag-aral ko. 

''Pustahan sino makakatanggap ng mas maraming regalo. Ano game?'' Eris bumped on my shoulder from behind and stole my candy. I just laughed at her remark and continued on my way.

Sumabay siya sa'kin sa paglalakad at nasulyapan ko ang pulang rosas na hawak niya.

''Naghahamon ka palibhasa may nagbigay na sa'yo. Wala pa kaya sa'kin!'' pabiro ang ginawa kong pag-irap.

Nagkibit balikat lang siya at animo'y naglalakad sa mga ulap.

Agaw pansin ang mga makukulay na dekorasyon sa paligid at buhay na buhay rin ang bawat kasuotan ng mga estudyante. Nagkalat sila, tulad namin ay may mga naglalakad lang sa hallway at ang iba naman ay nadadaanan kong nasa loob lang ng silid.

You can see how alive they were during the day. It seemed like everyone was the main character.

Umihip ang hangin at pasimple kong hinawakan ang laylayan ng puting bestida.

''Good morning Nini!'' Someone greeted me while I was observing the school scenery.

''Hi! Good morning din!'' I smiled at her and she did the same.

We have no class but since I'm part of the Supreme Student Government, malamang ay marami akong gagawin ngayong araw. Walang upuan 'to panigurado.

Kapag nagsimula na ang program mamaya, baka sumama ako sa pagbabantay ng mga estudyante. May itinayo rin kasing mga booths kaya mukhang magiging mahaba talaga ang araw.

As for my class, gumawa sila ng booth kung saan malaya kang magpadala ng sulat para sa taong natitipuhan mo. Sila na ang bahalang magdeliver kung saan basta't nakalagay ang pangalan at room number. Letter 'yon na may kasamang candies, katulad ng kinakain ko kanina.

Nang makarating sa loob ng klase, maingay ang lahat at makalat sa loob. Maging dito ay naghahanda rin sila para sa mumunting surpresa para sa'ming guro.

Kitang-kita ang kulay pulang banderitas sa harap. Sinamahan 'yon ng balloons at sa lamesa naman nakalatag ang mga pagkain.

''Sino bumili ng cake? Pahingi ako mamaya ah!'' sigaw ni Nari.

''Ano ka gold,'' si Arturo.

''Damot talaga nito. Tabi nga!'' aniya at inismiran pa ang kaklase ko.

Tahimik lang akong nagmasid at tumulong sa pag-aayos. Hindi pa pumupunta dito ang adviser namin dahil may ginagawa pa siguro.

Hindi naman na mahalaga 'yon dahil pagkatapos ng program, kusa namin siyang tatawagin para sa naghihintay na sorpresa.

Ewan ko ba, sa tuwing may ganitong okasyon ay ang dami nilang pakulo. Mag teacher na lang din kaya ako para marami rin ang regalo?

But nah, I have other plans in mind.

''Guys baba na raw sa gymnasium, magsisimula na program!''

Pumila na ang lahat at syempre hindi ako sumama. Nauna na 'ko dahil baka kulangin ang upuan sa gym para sa lahat ng a-attend kaya kailangan kong magbuhat ng mga plastik na bangko.

At hindi nga ako nagkamali. Naabutan ko ang mga kasama ko sa SSG na nag-aayos na.

''Sorry late. Ako na magbubuhat.'' Kinuha ko ang bangko mula sa kamay ng kakilala ko.

Field of Carnations (Solace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon