''You're crying?'' Spring held my shoulders and I smiled to assure her that I was okay. Hindi ko rin alam kung bakit biglaan na lang sa pagtulo ang mga luha ko. Ang alam ko lang ay hindi 'yon dahil malungkot ako o ano.
Baka nga...masaya at nananabik ako kaya ganito.
I grabbed my phone and dialed Pao's number. Bumaba na sila ng stage at siguro, may ginagawa pa. I texted her instead at niyaya niya akong makipagkita sa likod.
Syempre, sinama ko rin si Spring. Pagdating doon, nasa may park sila at nakaupo sa wooden bench.
''Pao!''
''Nini!''
Nagkikita naman kami noon pero ang tagal na din. Ibang iba ngayon kaya hindi ko napigilang mayakap siya nang sobrang higpit. ''Hindi ka nagsabi na pupunta ka! Kailan ka dumating?''
''Dumating ako kaninang madaling araw! Bakla ka nagugutom na ako!'' Nilingon niya ang mga kasama na papalapit na rin sa amin. I saw Aku look at me and smiled gently. I unconsciously did the same at nag-iwas kaagad ng tingin.
''Kumain muna tayo, nakakapagod.''
''Let's go. Saan ba pinakamalapit?'' Si Amara na nginitian din ako at lumapit kay Casper.
Casper! Sila sila na ba ngayon ang tumutugtog? Ang orihinal na kasama sa banda noon ay si Pao, Aku at Luigi lang talaga.
''Nini, long time no see...'' Casper muttered and nodded at me. I smiled at him and glanced at Luigi who was walking beside Aku. Tumango lang siya at nag thumbs up sakin.
''Wala rin talaga sa plano na pumunta kami dito. Nagkataon lang na sunod sunod ang holiday kaya, why not kumanta ulit hindi ba?'' Si Amara habang kumakain ng tempura.
''Oo nga! Nini na-miss ka namin!'' Casper said.
''Ako rin...'' I said and continued to eat while I listened to them.
My heart is beating with too much happiness right now. Alam ko na ang tagal ko ring nawala noon at basta na lang sumulpot sa mata ng mga dating kaklase at kaibigan pero wala akong narinig ni isang nakakailang na tanong sa kanila. Ganoon din sa mga kasama ko ngayon.
Naaliw ako dahil ang dami nilang baon na kwento. Pansamantala kong nakakalimutan ang mga alalahanin sa buhay.
''Ah, Pao. Kilala mo naman si Spring 'di ba? Kaibigan ko rin.''
''Hi Pao! Ang ganda mo!'' Nagkamayan silang dalawa habang ako ay nasa pagitan.
''Ay! Bola ka naman masyado Spring. Salamat!''
Kumain kami at nagkwentuhan. Lumingon ako kay Luigi at naalala na naging sila nga pala noon ni Eris. Are they still together?
''Eat.'' I saw Aku mouthed and slowly pushed the dish near me. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin at nagfocus sa pagkain.
''Ehem. Muling ibalik ba, Nini?'' Siniko ako ni Pao at pabiro ko siyang inirapan.
''Magtigil ka. Kumain ka lang d'yan.''
Buong akala ko, doon na 'yon matatapos. Pero hindi pala.
Malalim na ang gabi at nagkayayaan pa silang uminom. I don't drink alcohols. Kahit ano pa 'yan, hanggang juice lang ako.
Si Spring ay magaan na agad ang loob sa kanilang lahat. Kanina pa sila nag-uusap usap. Magkakatabi kami at para hindi raw ako maleft out, muli akong pinagitnaan ng dalawang kaibigan. Beers ang nasa tapat nila habang smoothie ang sa akin.
''Pahangin lang ako...''
I excused myself and headed outside. Nasa ikalawang palapag kami at ang style ng beerhouse ay hindi pang ordinaryo. Siguro ay dahil na rin sa lugar na pinagtayuan?
![](https://img.wattpad.com/cover/291545130-288-k674533.jpg)
BINABASA MO ANG
Field of Carnations (Solace Series #1)
RomanceInside a designated lifespan, it won't be full of sunshine. Even daytime could be a living nightmare too. Is it even possible to spend a day where you'll just be lying on your bed, having the greatest time with yourself and your friends? Well, for H...