Chapter 29

47 8 1
                                    

It was the same.

Ganito ba talaga palagi?

Payapang paligid na napapalibutan ng halaman at mga puno. Malaking mansyon kung saan ang tawa at ngiti ng mga bata ang sasalubong sayo.

There must be something really wrong with me. I suddenly missed those kids whom I used to look after. At ang mga ganitong tagpo ang isa sa mga nagsasabi sa akin na kahit gaano kabigat man ang lumipas, may masaya pa ring alaala ang nahulma sa puso't isipan ko.

"Hello po, Ate! Kasama niyo po si Kuyang pogi?" Ang salubong ni Mirasol sa akin habang inaanyayahan ako papaloob.

"Kasama ko. Mirasol, pogi ba 'yon? Sure ka na d'yan?" pahabol ko pa sa kanya.

Ngumisi siya sa akin at pabirong nanliit ang mga mata.

"Ay alam ko na! Crush mo si kuya 'no? Nako Ate, huwag niyo pong itanggi masyado. Mahahalata kayo lalo."

Ako naman ngayon ang nag-iba ang ekspresyon at pinanliitan siya ng mga mata. "Kung ano anong pinapanood mo, isusumbong kita sa Nanay niyo rito."

"Biro lang Ate! Bagay naman kayo, ayos lang po 'yan!"

"And who in the world is suitable for you?" His voice gave me chills that I almost jumped in my place. Automatikong lumingon ang ulo ko at napairap.

"Ba't ka ba nanggugulat? Tss, dapat talaga hindi na ako sumama sayo."

"Mira oh, nang-aaway." Tinuro niya ako at nakangusong nagsusumbong kay Mirasol na walang ibang ginawa kundi ang pagbigyan ako ng nanunuksong mga tingin.

Ilang taon na ba ang batang 'to? Andaming alam ha.

"Magandang hapon po, Sir Seiyashi at Ma'am Nini! Nako e, may mga bisita pa pong darating mamaya. Dito na po kayo pumwesto, para hindi mainit masyado..."

Iginiya kami ni Inang sa bakuran, kung saan mapresko nga at dahil hapon na, malilim din doon. At ilang hakbang pa ay may fountain sa malapit. Kulay puti at malinis, pati ang tubig na dumadaloy dito. 

Kalat din ang mga round table sa bakuran kahit hindi naman ganoon kadami, nakalaan siguro para sa mga sponsors.

At sa pagsisimula ng masayang paggunita sa anibesaryo, ang mga bata ang tampok at kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko nang masilayan ang inosente at matatamis nilang pagngisi.

At sa pagbaling ko sa kasama, nahuli ko siyang titig na titig sa mga bata at napapangiti pa.

Lihim ding sumilay ang ngiti ko na nabahiran ng pananabik. Pananabik dahil ang tagal na rin simula nang nakasama ko ang mga paslit na minsan kong inalagaan, na minsang naging parte ng araw araw kong pamumuhay.

Kumusta na kaya sila? Sinong nadagdag at sinong umalis? Si Nanay Siring kaya?

I cleared my throat and ran my fingers across the table while waiting for the right cue. At nang napabaling siya sa gawi ko, doon ko na ibinuka ang bibig para sa sasabihin.

"Kumusta si Nanay Siring at ang mga bata?"

He brushed his hair backwards before answering me. "They're doing fine. Why? Would you like to visit them?"

"Next time."

A super long next time. Dahil hindi pa ako handang bumalik sa lugar na binalot ako ng lungkot.

I miss the people from years ago but I'm afraid for my wounds to open, once again. Nagpakahirap akong tahiin 'yon mag-isa, baka sa pagbalik ko ay malugmok lang ulit ako.

Nakakalito 'no? He's here already and same with my old friend Pao. Kaya kung tutuusin, anong kinakatakot ko sa pagbalik doon? Kung ang lahat ng 'to ay nagsimula lang din sa lihim na 'di nagtagal ay nabunyag at nagpaguho sa kasiyahan at kapayapaang kay tagal kong binuo sa ilusyon kong mundo.

Field of Carnations (Solace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon