He laughed, while I, on the other hand, was left stunned.
Nang dahil sa halakhak niya ay bigla na lang natabunan ang bigat at animo'y tinaboy ng hangin ang namuong sama ng panahon sa pagitan naming dalawa.
Umayos siya ng tayo at ginulo ang buhok ko. Nakapamulsa siyang tumingin sa'kin. ''What's with the weird question? Of course, my mom would be out of town. She's building a business.''
Business?
''What business?'' Tanong ko pa rin at umatras.
''Well, it was just a personal collection of my Mom's. However, she became bored and decided to make it public.''
Kung ganoon, mali ako? Baka binili lang ni Papa 'yung mga nakita ko doon sa loob ng kwarto nila? How about the vehicle then? Kapareho lang?
Sinulyapan ko siyang muli at bumagsak ang balikat. Humugot ako nang malalim na hininga at unti-unting ikinalma ang sarili, pagkatapos ay tumango.
''Ah, sige. Una na ako, salamat dito.'' Iwinagayway ko ang kumpol ng rosas at agad na tumalikod.
Rinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero wala akong gana para makipag-usap pa sa kanya.
Nakasalubong ko rin si Eurora at Casper pero hindi ko sila pinansin. Pagod ako, gusto kong matulog.
Pagkauwi ay isinalampak ko kaagad ang katawan sa malambot na matres at hinayaang lumalim ang idlip.
Hindi ko alam.
Hindi ko alam kung anong nangyari basta ilang linggo na ang lumipas ay nawalan kami ng komunikasyon sa isa't isa. No chats and calls. Blangko lahat.
I reached for my phone, sitting below my pillow, and scrolled through my inbox. Our conversation was last active a few weeks ago.Siya ang huling nagsend ng message at hindi ko magawang dalhin ang sarili para magtipang muli. Dahil wala naman akong masabi. At dapat ba akong may sabihin?
Heto na naman kami. Ang labo.
''Aalis kami ni Nova, papacheck up ako. Isarado mo bahay.'' Nagkalingunan kami ni Mama. Lumunok siya at animo'y nagdadalawang isip sa sasabihin. ''At baka umuwi Papa mo, pakisabi kung pwede...huwag siyang alis nang alis.''
Um-oo ako sa habilin niya at nang mawala sila sa paningin ko, nag-ayos na rin ako. Panibagong araw na normal, walang bago. Kahit dapat ay espesyal naman...kaso wala. Ganito lang talaga.
Sa pinakailalim na parte ng aparador ay kinalkal ko ang kahoy na lalagyan. Inside, I found candles. Lumuhod at napaupo ako sa likod ng pintuan at sinindihan 'yon.
A smile that didn't reach my eyes spread across my face. Ipinikit ko ang talukap at hinayaan ang sariling malunod sa dilim. While the piece of candle slowly melted on my hand, I bowed my head and tried to make a wish.
Isa...dalawa...tatlo...
Lumipas pa ang segundo ay wala akong nasabi. Ang tanging natamo ko lang ay ang paso dahil sa mainit at tumulong kandila. Tumayo ako at iniharap sa salamin ang sarili.
''Happy birthday. Dapat masaya ka, umabot ka pa hanggang ngayon...''
Nilisan ko ang bahay at dumiretso sa trabaho. It doesn't matter that I'm late for today. Halos wala rin naman akong gagawin dahil nandito lahat ng mga katulong sa bahay at nag-unahan na sila sa pagkilos.
''Tapos na ba 'tong salad, Ate?'' Dumapo ang tingin ko sa mixing bowls.
''Oo! Tapos na, pakilagay na lang sa ref!''
Pumangalumbaba ako at binantayan ang mga batang naglalaro. Hawak ang mga manika at bola. Nginitian ko si Nono at kinurot sa pisngi.
''May mag-aampon na sayo ah. Excited ka na?''
![](https://img.wattpad.com/cover/291545130-288-k674533.jpg)
BINABASA MO ANG
Field of Carnations (Solace Series #1)
RomantikInside a designated lifespan, it won't be full of sunshine. Even daytime could be a living nightmare too. Is it even possible to spend a day where you'll just be lying on your bed, having the greatest time with yourself and your friends? Well, for H...